^

Punto Mo

Tayo mismo ang problema

Pang-masa

ISA sa mainit na isyu ngayon ay ang isinusulong ng House of Representatives na pagbabago ng Konstitusyon sa pamamagitan ng “Constituent Assembly,” kung saan magkasamang magpupulong ang House of Representatives at Senate upang magpanukala ng mga pagbabago. Malawakan ang isusulong na mga pagbabago: mula sa “Presidential System” tungo sa “Federal System.” Mula sa “Presidential” tungo sa “Unicameral” at “Parliamentary.”  Ibig sabihin ng “Unicameral” ay isa na lamang ang Kongreso. Hindi katulad ngayon na “Bicameral,” ang Kongreso ay binubuo ng House of Representatives at Senate.  Sa ilalim ng isinusulong na pagbabago, bubuwagin na ang Senado.

Treinta’y uno anyos pa lamang ang ating Konstitusyon, ngunit nahaharap ito sa malawakang pagbabago, sapagkat ang babaguhin ay ang sistema mismo ng gobyerno. Ang mahigit nang 200-taong US Constitution ay dumaan pa lamang sa 27 pagbabago, tulad ng ganap na pagbabawal sa “slavery system” noong 1865 at ang pagbibigay ng karapatang bumoto sa lahat ng mamamayan nito noong 1870. Gayunman, nananatiling hindi binabago ang sistema ng gobyerno na “Presidential” at “Bilateral.”

Tayong mga Pilipino, napakadaling magbago ng ating isip. Bakit nga hindi?  ‘Yong mga lider na ating pinatalsik, hindi nagtatagal ay muli nating iniluluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagboto sa kanila sa halalan. Only in the Philippines!  Isa kong kaibigang banyaga ang nagsabi sa akin na talagang siya’y nahihiwagaan sa takbo ng isip ng mga Pilipino. 

Siyempre, hindi papayag ang Senate na bigla na lamang mabalewala.  Kaya’t si Senator Ping Lacson ay naghain din ng resolusyon na pulungin ang Senate bilang “Constituent Assembly” upang magpanukala rin ng mga pagbabago sa Konstitusyon, hiwalay sa gagawin ng House of Representatives. Kapana-panabik ang susunod na mga pangyayari.  Daig pa natin ang nanonood ng tele-nobela!

Talaga bang kailangang baguhin ang ating Konstitusyon upang makamit natin ang kinakailangang mga pagbabago? Isang “governance expert” ang nagsabi na napakarami ng magagandang batas ang napagtibay sa Pilipinas, ngunit ang problema ay ang epektibong pagpapatupad ng mga ito.  Halimbawa, ‘yong pagpapalakas ng mga “local government units” na nilalayon sa ilalim ng Federal System ay itinatakda na sa kasalukuyang Local Government Code, ngunit hindi naipatutupad.

 Alin ba ang dapat baguhin?  Ang sistema o ang tao?  Ako’y naniniwala na ang problema natin ay hindi ang sistema, kundi tayo “mismo.”  Walang mangyayari sa federalismo kung hindi tayo mababago mismo.  Kahit anong ganda ng sistema ay mabubulok kung ang mga lider na mamumuno sa atin ay bulok.

Ako’y naniniwala na ang unang dapat na isulong na pagbabago sa atin ay “Cultural Revolution,” radikal na pagbabago sa paraan ng ating pag-iisip, sa mga bagay na ating pinahahalagahan at pinagpupursigihan. Ang kailangan natin ay ang pagtataas sa uri ng ating moralidad — na higit na nagpapahalaga sa dangal kaysa kayamanan, kapangyarihan at popularidad. Ang kailangan natin ay ang matuto tayong lahat na mahalin ang ating bansa nang higit kaysa ating sarili.  Ang kailangan natin ay ang pagpapahalaga sa ating mga responsibilidad bilang mamamayan nang higit kaysa pagpapahalaga natin sa ating mga karapatan. Kung ang problema ay tayo mismo, ang solusyon sa ating problema ay tayo rin mismo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with