^

Punto Mo

‘DPWH Sec. Villar, uupo sa hot seat ng Ben Tulfo Unfiltered!’ BITAG

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Walang takot. Walang paliguy-ligoy. Diretsahan! Secretary Mark Villar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) uupo sa hot seat ng Ben Tulfo Unfiltered sa Lunes (January 22)!

Maraming nagtatanong kung bakit siya ang nakaupo bilang secretary ng DPWH. Maraming nag-aalinlangan at maraming may pangamba na maaaring hindi kayanin ng batang kalihim ang mamuno sa DPWH.

Inuulan ang kaniyang tanggapan ng maraming batikos kung marami pang lugar lalo na sa probinsiya na natengga ang mga proyekto. Saklaw pa nga ba niya ito? O ilan ito sa mga kapabayaan ng nakaraang administrasyon?

Noong Huwebes sana, live niyong nasaksihan ang aking panayam sa sekretaryo. Subalit kailangan naming magbigay-daan sa speech ni President Duterte kaya na-move ito sa Lunes.

Masarap kausap si Secretary Mark Villar, diretso rin ito sumagot at walang paligoy-ligoy nitong nilinaw ang bawat isyung ibinabato sa kanya.

Walang pagbabalat-kayo niyang sinabing karapat-dapat nga siya maging Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inilahad niya ang kanyang plano kung paano gagastusin ang P637.8 billion na budget ng kanyang tanggapan – kung ito ba ay isang malaking pressure o malaking hamon para sa kanya.

Kinalkal ko rin ang ika nga’y “Accommodation Project” na kunwaring proyekto ng mga pulitiko na siguradong kakapit-tuko para makakuha ng pondo. Bibilib kayo sa kanyang kasagutan dahil totohanan!

Alamin ang mga kasagutan ni Sec. Mark Villar sa Lunes, 5:30 hanggang 6:00 ng gabi pagkatapos ng KILOS PRONTO sa PTV4.

Mapapanood ang programang Ben Tulfo Unfiltered Lunes hanggang Biyernes sa PTV4 at naka livestream ito sa Facebook page nito at sa aming website www.bitagmedia.com

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with