^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagbuhay sa ‘tokhang’

Pang-masa
EDITORYAL - Pagbuhay sa �tokhang�

SABI ng Philippine National Police (PNP), buhay na muli ang “Oplan Tokhang” pero malaki ang pagkakaiba sa naunang tokhang noon. Magkakaroon na ng transparency ang tokhang ngayon, sabi ng PNP Spokesman kung saan isasama na ng PNP sa drug operation ang mga representative ng Simbahan, Commission on Human Rights at media. Sabi ng PNP sa gagawin nilang pagsasama sa mga nabanggit na sector, maiiwasan na ang mga batikos ukol sa extrajudicial killings kung saan ang PNP ang naiipit. Sabi pa ng PNP, hindi naman nila hahayaang mapahamak ang sinumang sasama sa “Tokhang”. Puproteksiyunan nila ang mga sasama sa Tokhang sa sandaling magkaroon ng pagsalakay sa mga drug den at iba pang hideout ng drug pushers.

Maganda ang naisip na ito ng PNP. Kung isasama ang media, CHR at Simbahan sa raid sa drug suspects, hindi na sila mababatikos na kung anu-ano ang ginagawang paglabag sa karapatang pantao. Matatahimik din ang mga nasabing sector sapagkat makikita kung paano ang ginagawa sa mga sinasalakay na drug den.

Nabugbog ang PNP sa kaliwa’t kanang batikos ukol sa EJKs. Sa dami ng mga natagpuang bangkay na umano’y biktima ng mga riding in tandem at iba pang killers, hindi malaman kung ano ang gagawing pagsalag sa mga batikos.

Sana, hindi naman mapabayaan ang mga isasamang representatives ng media, CHR at Simbahan sa binuhay na Tokhang. Maprotektahan sana sila para lalong maging epektibo ang kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.

Nagkalat pa rin ang shabu sa kasalukuyan at maraming kabataan ang napipinsala. Naipangako ni President Duterte na magbabayad ang mga magpapakalat ng bawal na droga. Hindi niya hahayaang masira ang buhay ng mga kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with