^

Punto Mo

Isla Paraiso (141)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ARAW ng pag-uwi nina Marikit, Benhur at Lolo Kandoy sa Isla Paraiso. Pagkaraan ng apat na taon ay ngayon lang muli masisilayan ni Marikit ang sinila-ngang Isla. Excited siya habang naglalakbay sila sakay ng motor banca patungong Isla Paraiso. Dalawang oras din ang biyahe nila patungong Isla. Maganda ang panahon ng araw na iyon. Kalmadung-kalmado ang dagat.

Magkatabi sa upuan sina Marikit at Benhur. Nasa kaliwa ni Marikit si Lolo Kandoy. Nagbabasa ng diyaryo si Lolo Kandoy.

“Excited na akong makarating sa Isla, Benhur.’’

“Halata nga sa mukha mo Marikit. Parang gusto mo nang tumalon para makarating agad sa Isla.’’

“Uy hindi naman!’’

“Para kasing gustung-gusto mo nang makauwi.’’

“Apat na taon akong hindi nakauwi, Benhur kaya ganito ako kasaya.’’

“Magugulat ka sa makikita mo sa Isla.’’

“Bakit Benhur? Malaki ba talaga ang pagbabago mula nang si Sir Alexis ang napiling maging OIC sa Isla?’’

“Oo. Nabasa ng Presidente ang mga ginawa ni Sir Alexis kaya siya ang gina-wang OIC. Masyadong humanga si Presidente sa pagmamahal ni Sir Alexis sa likas na yaman ng Isla. Sa sunod na elections, kakandidatong mayor si Sir Alexis at palagay ko sure na sure dahil wala siyang kalaban. Lahat nang tao ay gusto siya. Palagay ko, ito na ang simula nang pagbabago sa Isla.’’

“Tamang-tama pala talaga ang assignment ko Benhur dahil ang buhay ni Sir Alexis ang isusulat ko. Kailangang maisulat ko nang maliwanag para mabasa ng mga mamamayan ang mga nagawang kabutihan ni Sir Alexis. Lahat nang mga nagawa niya ay isusulat ko.’’

“Palagay ko, napakagan-da ng kasaysayan ng buhay ni Sir Alexis kapag naisulat mo. Mahusay kang writer eh.’’

“Hindi naman Benhur.’’

“Hula ko ikaw ang magiging star ng The Reporter kapag nalathala ang buhay  ni Sir Alexis.’’

“Sana nga, Benhur.’’

Makalipas ang dalawang oras, narating na nila ang Isla Paraiso.

Mula sa dinaungan ng motor banca ay nilakad na lamang nila ang patungo sa bahay.

Masayang-masaya si Marikit. Hangang-hanga.

“Napakaganda ng Isla! Ang daming pagbabago!’’ Sabi niya habang naglalakad.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with