^

Punto Mo

Kongresong nakabungisngis vs. Senadong naiinis

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

MALAMANG na mabantilaw ang isinusulong na Charter Change (Cha-Cha) sa House of Representatives at Senate dahil sa magkakaibang dahilan at personal na pananaw ng mga mi-yembro ng magkabilang panig. Makailan nang nangyari mula pa sa nakalipas na mga administrasyon na  ang  bilang ng kaalyado nito ay hindi naghahari kapag ang usapin ay may kinalaman sa rebisyon ng Saligang Batas na may layunin nang pagpapaliban ng eleksiyon at term extentions.

Nangyari na ito at sa termino ni former Pres. Fidel Ramos: Peoples Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) 1997; Joseph Estrada: Constitutional Correction for Deve-lopment (CONCORD) 1999 at Gloria Macapagal Arroyo, Sigaw ng Bayan 2009 sa pag-asang nakalalamang ang bilang ng kaalyado nila sa Kongreso, pero pare-pareho silang naunsiyami dahil sa usapin  at term extentions na tulad ng nangyari noong 1970 Constitutional Convention (Con-Con) sa panahon ni Pres. Ferdinand Marcos na napuno ng kontrobersiya at inabot nang deklarasyon ng martial law na lumikha ng Parliamentary Form of Government sa ilalim ng Interim Batasang Pambansa (IBP) kaya naupo si Cesar A. Virata bilang Prime Minister. Kinabagutan ng mamamayan ang pagbabagong ginawa ng Marcos regime na naging susi para maupo si Pres. Cory Aquino  matapos ang snap elections noong 1986 na nagbunsod sa revolutionary government at  umugit sa  1987 Constitution na ngayon nga ay balak amyendahan.

May punto man ang Duterte administration sa nais nitong pagpapairal ng federal form of government ay nagkaroon naman ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tropa ni Speaker Bebot Alvares at kabaro ni Sen. Ping Lacson. Dito makikita ang baguhang lideratong nagmamadali at beteranong nagsusuri! May suhestiyon pa si Ping  na sisibakin ang senador na dadalo sa Con-Ass. Naku po! May susuway kaya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with