^

Punto Mo

EDITORYAL - MMDA mag-provide ng sasakyan sa commuters

Pang-masa
EDITORYAL - MMDA mag-provide ng sasakyan sa commuters

PURSIGIDO ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagwalis sa mga luma at karag-karag na mga sasakyan partikular sa mga jeepney. Ito ay bilang pagtalima sa ipinatutupad na jeepney modernization kung saan ang 15-taong gulang pataas na mga sasakyan ay pagbabawalan nang makabiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila.

Noong nakaraang linggo, sinimulan na ng MMDA at LTFRB ang kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” at marami na agad sasakyang bumibiyahe sa Metro Manila ang nasampolan. Pinakamarami ang mga nahuling jeepney na ayon sa MMDA at LTFRB ay walang karapatang bumiyahe dahil sa mga paglabag sa batas at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero. Karamihan sa mga jeepney ay nagbubuga nang napakaitim na usok na halatang takbo na lang ng takbo at hindi sumasailalim sa regular maintenance. Bukod sa violations na ito, wala ring ilaw sa unahan, pudpod ang gulong at sira-sira ang mga upuan at nangangalingasaw ang drayber. Marami sa mga pampasaherong jeepney ang nararapat na talagang igarahe at ibenta nang por kilo. Hindi na dapat hayaang yumaot nang yumaot sa kalsada ang mga karag-karag na jeepney sapagkat ilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero at palulubhain ang air pollution. Matindi na ang pagkalason ng hangin sa Metro Manila at kung hindi pa lubusang matatanggal sa kalsada ang mga bulok na jeepney, unti-unting papatayin ang mamamayan na nakakalanghap ng hangin na may lason.

Dahil sa seryosong paghuli ng MMDA at LTFRB sa mga karag-karag na jeepney, marami na ang hindi bumibiyahe o kung bumiyahe man, karamihan ay nagka-cutting trip o kung saan-saan nagdaraan para hindi mahuli ng MMDA. Kahapon, dahil sa kakula-ngan ng jeepney, maraming na-stranded na pasahero. Nagtambak ang pasahero sa Commonwealth Ave., Quezon Avenue, España Blvd., Taft Avenue at marami pang lugar sa MM.

Sana mag-provide ng sasakyan ang MMDA para sa stranded commuters. Huwag namang pabayaan ang mga commuter na apektado sa jeepney modernization. Tulungan silang makasakay at makapasok sa trabaho o school.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with