^

Punto Mo

Quesejoda balik PM

Butch M. Quejada - Pang-masa

BALIKBAYAN ang Quesejoda ni Butch Quejada, sa dyaryong PM, kaya every Tuesday, Thursday at Saturday ay mababasa ninyo ito dito.

Nagpapasalamat tayo kay Bossing Miguel Belmonte sa suporta at pagtitiwala na ibinigay niya sa atin.

Sabi nga, thank you very much!

* * *

Patay na, nalitson pa

Ang isyu, natigok na, nalitson pa pala ang isang kelot habang nakaburol ito sa isa sa sampung haybol na tinupok ng apoy dyan sa Baguio City, last Monday.

Ngayong araw sana balak ng family nang nalitson na bangkay ito mailibing dahil inaantay nila ang anak na makauwi from Japan.

Ang masama ay alaws nang aabutang laway este mali lamay pala kung dumating man ang anak nito from Japan dahil nga nasunog ang pinaglalagakang labi.

Sabi nga, petmalu!

Ang bida ng mga nakasaksi sa sunog ay may amoy plastic na nasusunog sa isa sa sampu sa natupok na haybol pero nahuli na ang lahat dehins na rin nila nailabas ang bangkay na nakaburol kaya ito nalitson.

Ika nga, nakikiramay tayo!

Isa lang ang masasabi natin ‘alaws nasaktan sa insidente ang mga pamilyang nakatira sa natupok na haybol ay nakaligtas lahat pero may nalitson.’

* * *

Maling sistema ni Orbos

MAGANDA ang ‘drawing’ at mga tirada ni DoTr Usec Tim Orbos sa mga bago niyang pakana laban sa mga bulok at mausok na dyip sa Metro - Manila, plano na nilang alisin ang mga ito sa kalye para hindi makaapekto sa kalusugan ng madlang people ang masama at mabahong usok na inilalabas sa tambutso ng jeep.

Tanong - paano ang mga karag-karag na trak, bus, at iba pang mga lumang sasakyan na nagbubuga ng grabeng usok sa kalsada?

Kailan naman sila lilinya dito para ma - praise release?

Kung tutuusin dapat na kasing mawala talaga sa kalsada ang mga bulok, karag-karag at mausok na dyip dahil matagal na ring panahon silang pinagbigyan ng gobierno pero up to now ay wala silang ginagawa para maayos ang kanilang mga sasakyan.

Ngayon nag-drawing, hinigpitan ang oplan bulok, mausok, alis dyan ano ngayon ang pakiramdam ninyong mga tinamaan sa inyong mga sarili.

Sagot - ginigipit ng gobierno?

Hindi. Hehehe!

Ang masama lang sa nangyaring oplan ‘pabango’ este mali bulok, mausok alis dyan hindi napaghandaan ni Orbos ang mangyayaring aberya.

Maganda ang proyekto pero sino ang tatamaan hindi lang ang mga operators/drivers ng jeep kundi pati mga pasaherong sumasakay dito dahil siguradong walang ibang alternatibo kundi ang magwala este mali maghintay sila nang ibang masasakyan para makapasok at makapag-trabaho.

Paano kung hindi sila makapasok at late sa trabaho?

Bibigyan ba sila ng sahod ni Orbos?

Huwag pikon, nagtatanong lang!

* * *

NAIA immigration laking tuwa

NAGPAPASALAMAT kay DOJ Secretary Vit Aguirre partikular kay Prez Digong sa ginawang suporta para maibalik ang kanilang overtime pay na inalis kamakailan.

Halos mauntog sa kisame ang mga immigration personnel sa tuwa matapos mabalitaan na ibinalik ang kanilang OT.

Pinasalamatan din ng mga BI personnel si Marc Red Marinas, hepe ng BI port operation division, sa suportang ipinakita nito sa kanila dahil alam nila na isa si Red sa bumulong kay Aquirre tungkol sa OT nila.

Sabi nga, thanks God!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with