^

Punto Mo

Isla Paraiso (139)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABAHAN si Marikit nang marinig ang pa­ngalan ni Alexis. Hindi kaya si Sir Alexis ang sinasabi ng editor-in-chief? Pero hindi siya nagpahalata sa editor. Patuloy siyang nakinig sa sinasabi nito.

“Gusto ko magkaroon ka ng pagsasaliksik sa taong ito na ang pangalan ay Alexis. Hindi pa malinaw kung ano ang surname niya dahil wala pang gaanong report sa kanya. Maski kasi sa FB ay walang entry sa kanya. Itong mga write ups sa kanya ay walang gaanong laman. Baka nga fake news pa ang ilan dito. Ikaw ang inaasahan kong makakagawa nang maganda, maayos at makabuluhang report ukol sa taong ito.’’

“Opo Mam. Makakaya ko po.’’

“Ayon dito sa kapiranggot na write-ups ukol kay Alexis, matatagpuan siya sa isang isla na hindi naman nilinaw kung saan located. Medyo kaduda-duda ang lugar at maaaring fake nga. Saan ka naman nakakita ng isla na hindi malaman kung nasaan. Ayon sa report para raw paraiso ang isla.’’

Hindi nagsasalita si Marikit at patuloy na nakikinig sa editor-in-chief. Pero marami nang naglalaro sa kanyang isipan. Malaki ang posibilidad na ang tinutukoy na Alexis ay walang iba kundi si Sir Alexis.

“May report na ang Alexis daw na ito ang nanguna sa paglaban sa malaking mining company na tangkang pumasok sa isla na kinaroroonan niya. Pero yun lamang ang nasa report at wala namang ebidensiya na totoo nga. Baka naman fake report lang ito. Kasi bihira na sa panahong ito ang taong mamumuno para labanan ang isang giant mining company. Ewan lang natin. Pero doubt ako kung mayroon pa ngang taong katulad ng Alexis na ito.

“Dito makikita ang husay mo, Marikit. Tingnan ko kung kaya mong hanapin ang Alexis na ito at i-research ang buhay nito. Kapag nagawa mo ito, ikaw ang gagawin kong number one reporter ng diyaryo. Walang makakatutol sapagkat mahirap ang gagawin mo. Sa paghahanap pa lang sa Alexis na yun ay talagang mahihilo ka.

“Mayroon ka bang gustong sabihin Marikit?’’

“Kailan po ba ang deadline nito, Mam?’’

“Bibigyan kita ng one week para magawa ‘yan. Siguro naman, kaya mo ang one week.’’
“Opo. Kayang-kaya po.’’

Napangiti ang editor-in-chief.

“Sige Marikit umpisahan mo na. Siyanga pala, narito ang allowance mo para sa project. Kasama na riyan ang pagkain, pasahe at tirahan.’’

“Salamat po Mam. Babalik po ako eksaktong isang linggo at tapos na ang research ko kay Alexis.’’

“Wow! Ngayon pa lang ay excited na ako sa gagawin mo. Imagine, ni hindi mo alam kung nasaan ang isla pero matatapos mo in one week.’’

“Kanya-kanyang diskarte lang po yan, Mam.’’

Napangiti ang editor-in-chief.

Pagdating ni Marikit sa bahay ikinuwento niya kina Lolo Kandoy at Benhur ang lahat. Hindi makapaniwala ang dalawa.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with