^

Punto Mo

EDITORYAL - Naglipana ang drug addicts

Pang-masa
EDITORYAL - Naglipana ang drug addicts

MANHID na ang drug addict. Kapag pinasukan ng demonyo ang kanyang utak, maski ang sari­ling ina ay tangkang gahasain. Ganito ang nangyari sa Bgy. Pasong Tamo, Quezon City noong nakaraang linggo. Isang ina ang tinangkang gahasain ng kanyang 17-anyos na anak. Ayon sa ina, nagising siya nang maramdamang katabi ang kanyang anak at hinihipuan siya. Sinigawan niya ang anak pero naglabas ito ng patalim at tinutukan siya. Tinadyakan umano ng ina ang anak na ikinabuwal nito. Nagtatakbo palabas ang ina at nakahingi ng saklolo sa barangay.

Inaresto ang drug addict na anak. Ang masakit na nalaman ng ina, pati pala ang bunso niyang anak na babae ay ginahasa ng addict na kuya. Inamin naman ng addict na nagsa-shabu siya. Wala raw siya sarili habang ginagawa iyon. Humihingi siya ng tawad sa ina at sa kapatid na ginahasa.

Dahil menor de edad ang suspect, inilagay siya ng mga pulis sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Grabe na ang nangyayaring ito na dahil sa pagkasugapa sa shabu, pati ina at kapatid ay pinagsasamantalahan. At ang nakaka-shock pa, masyadong bata pa ang addict. Menor de edad pa siya pero sunog na sunog na ang utak sa shabu. Masyado nang naluto ang kanyang utak at maski ang ina ay gustong gahasain.

Kailangan pa ang matinding kampanya ng PNP at PDEA laban sa droga. Ang PDEA mismo ang nagsabi na 15,772 barangays ang kontaminado sa droga. Walang pagbabago at tila nadadagdagan pa ang mga barangay na kontaminado ng droga. Kailangang malaman ng PNP at PDEA ang pinagmumulan ng shabu. Bakit hindi ito maubus-ubos? Kahit pa araw-araw ay may mahuling pushers, kung patuloy naman ang dagsa ng shabu mula sa ibang bansa, balewala rin ang kampanya.

Paigtingin ng PDEA at PNP ang paghanap sa source ng shabu. Kapag nalaman ito at nabuwag, dito pa lamang masasabi na ligtas na ang bansa sa salot ng shabu. Mawawala na ang mga drug addict. Marami na ang makakatulog nang mahimbing.

vuukle comment

DRUG ADDICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with