^

Punto Mo

Recall election sa San Juan, mabagal ang pag-usad!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

“It’s unfair.” Ito ang paglarawan ni San Juan Mayor Guia Gomez sa recall elections na isinusulong ng mga supporters ni dating vice mayor Francis Zamora na tinalo n’ya ng halos 220 boto noong nakaraang election. Matapos ang mahigit isang buwan na pananahimik, nagpatawag ng isang press conference si Gomez noong Huwebes kung saan inilahad n’ya ang kanyang saloobin sa recall elections. Naglabas kasi ng sufficiency resolution ang Commission on Elections (Comelec) para itulak ang recall petition ng halos 30,000 supporters ni Zamora subalit hindi pa ito nai-serve kay Gomez hanggang kahapon. Ayon kay Gomez, nagtataka s’ya kung bakit loss of confidence ang isa sa mga rason na itinutulak ng mga kaalyado ni Zamora. Paano magka-loss of confidence ang taga-San Juan sa kanya kung sa buong termino n’ya ay humakot s’ya ng aabot sa 27 awards mula sa mga ahensiya ng gobyerno, kabilang na dito ang back-to-back na Seal of Good Governance ng DILG na gumawad sa siyudad ng P2.4 milyon na reward? Kaya nangako si Gomez na lalabanan n’ya ang recall petition ng kampo ni Zamora hanggang sa dumating sila sa Supreme Court. Boom Panes! Hak hak hak! Nangako si Gomez na s’ya pa ang mayor ng San Juan hanggang sa Hunyo 30, 2019, ang katapusan ng kanyang termino.

Sa totoo lang, kung makakuha ng 30,000 pirma ang kampo ni Zamora, sa tingin ni Gomez aabot sa 40,000 naman ang makakalap n’ya para suportahan ang kanyang liderato. May 70,000 kasi na botante sa San Juan at nagsalita na sila noong nakaraang election, ani Gomez. Subalit inaamin ni Gomez na hindi pa n’ya nakausap ang kanyang abogado kung tatanggapin ba n’ya o hindi ang Comelec document sa recall election. Kasi nga mga kosa, kapag tinanggap na ni Gomez ang Comelec resolution, gagana na ang recall election at maumpisahan na ang pagrebisa sa mga pirma sa petition. At kapag nakakuha ng 15,000 na totoong pirma, lalarga na ang recall election. Sa ngayon, hindi malaman ng Comelec sa San Juan kung paano i-serve ang resolution ng en banc dahil hindi sila makalapit kay Gomez bunga sa naunahan palagi sila. Ang ibig kung sabihin mga kosa, nakaalis na si Gomez sa City hall o maging sa ibang lugar bago dumating ang mga opisyales ng Comelec. Hehehe! Me pasa bilis kaya si Gomez? Hak hak hak! Kung sabagay, baka sa pagtulog ng mahimbing ni Gomez ay madesisyunan n’ya na tanggapin na ang Comelec resolution. Kaya’t imbes na pursigihin, manalangin na lang ang mga supporters ni Zamora na mahimbing ang tulog ni Gomez kada gabi para managinip ito ng maganda at tanggapin na ang dokumento ng Comelec, di ba mga kosa? Tumpak!

Kaya’t habang hindi pa natatanggap ni Gomez ang Comelec document, panay palabas ng magkabilang kampo ng psywar para sa kapakanan nila. Sa totoo lang mga kosa, kapag napasakamay na ni Gomez ang dokumento, hindi naman nangangahulugan na kinabukasan ay magkaroon na ng recall election sa San Juan. Madaming pasakalye pa ito ayon sa mga taktika ng kani-kanilang abogado. Halimbawa, kung ang abogado ni Zamora ay gustong mapabilis ang proseso, t’yak ang abogado naman ni Gomez ay gustong mapa-delay ito. Hindi lang ‘yan! Kapag nakarating na sa Comelec itong recall election, hindi naman kaagad matugunan nila ito dahil madami pang recall petition ang nakabinbin doon. ‘Ika nga, kapag pinairal ang first come first serve basis, matagal pa maaksiyunan itong recell election sa San Juan. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Natatandaan ko nga ang kaso ni Rep. Toti Cariño ng Pasig na nadesisyunan ang kaso n’ya at nanalo subalit dalawang araw lang s’yang naupo sa Kongreso. Hak hak hak! Abutin din kaya ni Zamora ang kapalaran ni Cariño? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa totoo lang, nag file na si Zamora ng election protest dito laban ke Gomez subalit iniatras n’ya matapos ang ilang araw. Siguro sa tingin ng mga abogado ni Zamora mas mabilis ang proseso sa recall election subalit nakasalalay naman sa Comelec ang desisyon ukol dito. Ang payo naman ni Gomez kay Zamora kung bakit hindi umuusad ang recall petition ng mga supporters n’ya ay “magpalit s’ya ng abogado.” Matagal pa bago magkalinaw ang usapin na ito. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with