^

Punto Mo

‘Tokhang 2’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Wala nang makapipigil, aarangkada na ang muling pagbabalik ng ‘Oplan Tokhang’ ng PNP, matapos na muli silang ibalik sa giyera laban sa ilegal na droga ni Pangulong Digong. Pero ayon sa pamunuan, asahan nang may malaking pagbabago sa ‘Tokhang 2’,  mistulang ibang istratehiya ang gagamitin ng kapulisan sa ilalim ng kampanya. May’ knock-knock’ na gagawin ang mga pulis sa mga bahay-bahay ng mga pinaghihinalaang drug personality at ipapaliwanag ang kanilang intensyon. Siniguro naman ng chief PNP, Director General Ronald dela Rosa na mahigpit ang kanilang bilin sa kanilang mga tauhan na huwag nang maging pasaway na gawing ‘gatasan’ ang drug operations,  gaya ng mga pangya­yari sa una. Bagamat, sinabi ng PNP na hindi magiging madugo ang pagbabalik ng ‘Tokhang’, ito ay kung hindi manlalaban ang mga target ng operasyon. Matindi kasi ang dinulot na bahid ng ‘Tokhang’ sa hanay ng pulisya,  dahil sa mga kinasangkutang kontrobersiya kaya walang nagawa ang Pangulong Digong kundi dalawang ulit niyang inalis sa PNP ang kampanya laban sa illegal drugs. Naabuso ng ilan ang magandang layunin ng kampanya, ito ay ang masawata ang paglaganap ng illegal drugs.

Taong 2016 ng  pumutok ang pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Jo  na nabunyag  lamang noong  Enero 2017. Agosto ng nakalipas ding taon, nagkasunud-sunod ang pagkapaslang sa mga menor de edad partikular sa lungsod ng Caloocan sa ilalim umano ng ‘Tokhang’. Gayunman, matapos alisin ang giyera sa droga sa PNP, naramdaman ang muling pamamayagpag at pagiging agresibo ng mga drug lord kaya ngayon ay muling ibinalik sa kapulisan ang laban, pero ang lead agency pa rin eh ang PDEA.

Ngayong muli silang sasabak sa ‘Tokhang 2’ mas makabubuti na idokumento na nila ang bawat operasyon,  kung maaari ay magdala o magsuot na ng mga body camera na magrerekord mula sa simula hanggang katapusan ng operasyon. Ito ang magsisilbi nilang mata para hindi pagdudahan na may itinatago o kapalpakan sa kanilang operasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with