^

Punto Mo

Lalaki sa Russia, isinalpok ang tanke sa tindahan upang makapagnakaw ng alak

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISINALPOK ng isang lalaki ang “kinarnap” niyang tangke sa isang convenience store sa Russia upang nakawin ang tinda nitong bote ng alak.

Hindi na kinilala sa mga ulat ang lalaki, na tinangay ang tangke habang ito’y nakaparada.

Minaneho niya ang tangke papunta sa isang kakahuyan hanggang narating niya ang bayan ng Apatity na malapit na sa Arctic Circle.

Doon  na niya isinalpok ang tangke sa isang kalapit na convenience store nang naipit siya sa isang makipot na daan. Bukod doon ay winasak rin ng tangke ang isang sasakyang nakaparada malapit sa tindahan.

Makikita sa kuha ng CCTV ang paglabas ng lalaki mula sa  tangke at ang kanyang pagpasok sa bintana ng convenience store na nabasag mula sa pagkakasalpok.

Hindi naman nagimbal sa pangyayari ang mga tao sa lugar. Para sa kanila ay isa lamang itong kaso ng panloloob sa isang tindahan.

Naaresto naman kaagad ang lalaki matapos ang insidente para sa pagnanakaw niya ng alak mula sa convenience store. Hindi naman daw pumalag ang lalaki nang siya’y madakip ng mga kinauukulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with