^

Punto Mo

Taas sahod, sa PNP, AFP, tuloy na tuloy na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula sa Enero 15 mararamdaman na ng hanay ng PNP at AFP ang pagtaas sa kanilang sahod,  gaya ng ipinangako ni Pangulong Digong.

Ang mga bagitong pulis o may ranggong PO1  ang makakatanggap ng 100 porsiyentong umento sa kanilang buwanang sahod.

Kung dati ang isang PO1 ay tumatanggap ng P14,823 buwan-buwan ngayon magiging P29,668.

O ‘di ba? Ang laki ng inilundag.

Iba’t ibang porsiyentong pagtaas sa ibat-ibang ranggo.

Malamang na ganito rin ang sa AFP.

Ang  kaigihan nga dito,  ang nabigyan ng prayoridad yung mga nasa ibaba  na siyang tatanggap na mas malaking umento.

Naniniwala ang pamunuan ng PNP na sa pamamagitan nito matitigil na ang ginagawang pangungutang ng maraming pulis dahil nga sa dating maliit na sahod na hindi nagkakasya sa kanilang pangangailangan.

Hayag din ang pagkakasangkot ng marami sa kaliwat-kanang ‘loan sharks’, minsan maging ATM sinasanla pa.

Sa pamamagitan ng mas malaking suweldo ay maiiwasan na rin ang gumawa  o masangkot sa mga illegal aktibidades ang mga parak.

Pero may inaasahan naman sa kanila  ang publiko, ito ay ang   maayos , mataas na antas at epektibong serbisyo. Huwag sana silang mabigo.

Mabawasan na rin sana ang mga ‘pasaway’ sa hanay, ngayong tinupad ng gobyerno ang pangakong maitaas ang kanilang mga sahod .

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with