^

Punto Mo

EDITORYAL - Sunud-sunod na holdapan, pulis ay nasaan? SUNUD-SUNOD

Pang-masa
EDITORYAL - Sunud-sunod na holdapan, pulis ay nasaan?   SUNUD-SUNOD

SUNUD-SUNOD ang mga holdapan ngayon. Maski ang mga maliliit na kainan o lugawan ay hindi pinatatawad. Pawang de-baril ang nanghoholdap at tinatangay ang kita ng kainan at pati mga pera,  alahas at cell phones ng customer.

Noong nakaraang linggo, hinoldap ang Manor Hotel sa Pasay City at isang gotohan ssa Parañaque kung saan nakatangay nang malaking halaga ng pera.

Sa mga nangyaring holdapan, walang nakarespondeng pulis. Wala rin ang sinabing nagpapatrulya ang mga pulis 24/7. Kung may nagpapatrulya, maaaring makaenkuwentro nila ang mga kawatan. Pero wala talagang nagpapatrulya. Ano ang nangyayari sa mga pulis?

Hindi pa natatagalan ang pangyayari sa Mandaluyong City kung saan agad-agad nagpaputok ang mga pulis sa hindi nakikitang kalaban. Niratrat nila ang isang van at dalawa ang napatay at dalawa ang nasugatan. Ang van ay napag-alamang maghahatid lamang sa isang babaing nasugatan sa pamamaril. Ayon sa dalawang nakaligtas, sumisigaw na sila sa mga pulis na hindi sila kalaban subalit patuloy pa rin ang mga pulis sa pagpapaputok.

Bukod sa mga pulis, nagpaputok na rin ang mga barangay tanod sa van. Malaking kuwestiyon ngayon kung paano nagkaroon ng baril ang mga tanod. Ayon naman sa siyam na pulis na ngayon ay inalis na sa puwesto kabilang ang pinuno ng PCP-1, sumunod lamang sila sa sinabi ng mga barangay tanod na ang hinahabol na suspect ay nasa van kaya nila pinaputukan. Isa naman sa tanod na bumaril sa van ay tumakas at pinaghahanap pa hanggang ngayon.

Ngayong 2018, sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte na matatanggap na ng mga pulis ang dagdag sa kanilang suweldo. Malaki ang madadagdag sa mga suweldo ng PO1, PO2, PO3 at iba pang ranks ng PNP.

Pero sa nangyayari ngayong sunud-sunod ang holdapan at walang makitang pulis sa kalsada at nagpapaytrulya at idagdap pa ang kamangmangan ng mga pulis sa “rules of engagement”, dapat ba silang dagdagan ng suweldo.

Mas maganda kung  mag-isip-isip muna ang Presidente ukol dito. Magpakita muna ng kaseryosohan ang mga pulis sa kanilang tungkulin bago umentuhan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with