^

Punto Mo

Ang lalaking hindi matuluy-tuloy ang pagbitay (Last of 2 parts)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SA ikalawang schedule ng pagbitay, may nauna muna sa kanya na binitay. Walang aberyang nangyari, bumukas ang trap door at tagumpay na nabitay ang naunang preso. Pero noong si John na ang isinalang sa bitayan, ayaw na namang bumukas ang trap door. Sa ikalawang pagkakataon ay na-postpone na naman ang pagbigti kay John.

Sa ikatlong schedule, may naka-standby na karpintero at engineer na kinuha upang kung hindi na naman bubukas ang trap door, nakatitiyak ang mga otoridad na may mag-aayos sa lock ng trap door. Nagdasal muli si John sa kanyang kulungan bago siya sunduin ng mga guwardiya.

“Diyos ko, alam mong wala akong kasalanan. Huwag mong pahintulutan na ako ay mabitay. Nagtitiwala ako sa iyong kapangyarihan.”

Nang hinila ng berdugo ang lock ng trap door, hindi na naman ito bumukas. Pinuntahan ng karpintero at engineer ang trap door. Walang makitang sira. Pinatayo muli sa trap door si John. Hinila ang lock pero ayaw talagang mabuksan ang trap door. Ibinalik muli si John sa kulungan. Pagkaraan ng ilang araw, nagpasya ang korte na ibaba ang sentensiya kay John—mula bitay, ito ay naging habambuhay na lang.

Pagkaraan ng 20 years ay pinalaya na rin siya dahil sa magandang asal na ipinakita niya sa kulungan. Nagpakasal sila ng kanyang nobya na matiyagang naghintay sa kanya. Nilisan niya ang England at nanirahan sa Amerika. Kapag may nagsasabi sa kanya na sinuwerte siya kaya hindi natuloy ang bitay, kokontrahin niya ito ng isang pangungusap: Hindi good luck ang nangyari sa akin, kundi pinagmilagruhan ako ng Diyos dahil wala akong kasalanan.

Sa bandang huli ay kakalat ang balita sa England na ang totoong pumatay sa kanilang among si Miss Keyse ay si Elizabeth at lover niya. Ate siya ni John at family cook. Nahuli ni Miss Keyse  na nakikipagtalik ito sa isang lalaki. Nagalit ang konserbatibong amo dahil nabastusan sa ginawa ng dalawa sa loob ng kanyang pamamahay. Nagkaroon ng pagtatalo, hinampas si Miss Keyse sa ulo ni Elizabeth sa tulong ng lover. Tinangkang sunugin ang bangkay para hindi ma-trace kung paano namatay. Kaso nagising noon si John at tinangka niyang iligtas ang amo. Sa kasamaang palad, siya ang nadiin sa kaso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with