Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mga taga-New Zealand, nagtayo ng sariling isla upang makatakas sa liquor ban

WALANG nakapigil sa isang grupo ng New Year cele­brants sa New Zealand sa kagustuhan nilang maglasing noong bisperas ng Bagong Taon.

Ipinagbabawal kasi sa bayan ng Coromandel ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar katulad ng beach sa pagsalubong ng New Year. Mahaharap sa multa o aresto ang mga mahuhuling lalabag nito.

Ngunit sa halip na sumunod sa ipinapatupad na liquor ban ay nagtayo ang isang grupo roon ng isang napakaliit na islang malayo sa pampang upang doon mag-inuman.

Ikinatwiran ng grupo na nasa “international waters” sila kaya hindi sila saklaw ng naturang liquor ban.

Gawa sa buhangin ang isla na nilagyan ng picnic table at ng mga upuan. Bukod sa pag-iinuman ay sinalubong  na rin ng grupo ang Bagong Taon sa isla, kung saan pinanood nila ang fireworks display.

Ang engineer na si Leon Hayward at ang kanyang 11 na mga kaibigan ang lumikha sa isla. Inabot daw sila ng anim na oras sa pagtatayo nito na itinaon nila sa oras ng low tide upang hindi anurin ang gamit nilang buhangin.  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Nakahinga naman sila nang maluwag nang mabalitaan nilang walang balak ang mga kinauukulan sa lugar na sampahan sila ng reklamo.

Nagkomento kasi sa media ang police commander ng Coromandel na si John Kelly na baka nga raw sumali pa siya sa pag-iinuman ng grupo ni Hayward kung nalaman lang niya ang malikhaing paraan ng mga ito makaiwas lang sa liquor ban.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: