Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Babae sa India, nag-yoga marathon ng 175 oras

NANG simulan ni Kavitha Bharanidaran ang pagyo-yoga 17 taon na ang nakakaraan ay hindi niya lubos akalain na ba­lang araw ay iyon pala ang magiging dahilan upang makasama ang kanyang pangalan sa Guinness World Records.

Nagawa kasi ng taga-Chennai, India na mag-yoga marathon sa loob ng 175 oras.

Sinimulan ni Kavitha ang walang tigil na pagyo-yoga noong alas siyete ng umaga ng December 23.

Nagawa niyang malampasan ang dating world record na 103 oras para sa  pinakamahabang yoga marathon noong December 28 ngunit sa kabila nito ay hindi  pa rin tumigil si Kavitha sa kanyang pag-yoga.

Tumigil lamang siya noong Disyembre 30 nang makapagtala na siya ng 175 oras na tuloy-tuloy na pagyo-yoga.

Kung susumahin ay higit pa raw sa 175 na oras ang ginawang  yoga marathon ni Kavitha ngunit hindi lahat ay ibinilang sa opisyal na record dahil minsan ay bahagya lamang daw gumalaw ang 31 anyos na ina, ayon sa kinatawan ng Guinness na si Swapnil Dangarikar na sumuri sa world record attempt.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa kabila ng pagkakaroon ng 3-anyos na anak ay nagagawa pa rin ni Kavitha na balansehin ang kanyang pagyo-yoga at ang kanyang mga tungkulin  bilang ina at asawa.

Kaya naman malaki ang pasasalamat niya dahil buo ang suportang ibinibigay ng kanyang pamilya sa kanyang hilig sa yoga.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: