Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

10 Bad Habits na ginagawa natin nang pasikreto

ANG survey ay ginawa ng Online Doctor kung saan ang respondents ay kinabibilangan ng 1,500 Americans at Europeans

1.  Inaamoy ang nagamit nang underwear para kung okey pa ang amoy, ito ang isusuot ulit. Mga 31 percent na babae at 44.3 percent lalaki ang umamin na ginagawa nila ito. Ang payo ng experts, gamitin na ang bagong laba na underwear at iwasang gamitin kahit hindi pa ito mabaho.

2.  Inaamoy ang sariling utot. Mga 94 percent ng mga babae at 92.7 percent lalaki ang nagsabing totoong inaamoy nila ang kanilang utot. May paliwanag ang science sa ugaling ito: Naka-embed na sa ating “biological hard wiring” ang amoy ng sarili nating utot. Maihahalintulad sa fingerprint ang amoy ng utot. Ibig sabihin, may indibidwal na amoy ang bawat utot. Kaya kapag nakaamoy tayo ng utot ng ibang tao, magbibigay ng signal ang ating utak na umalis tayo sa lugar na pinanggalingan ng amoy o kaya magtakip ng ilong dahil nasa isip natin ay makakasama ito sa ating kalusugan.

3.  Inaamoy ang daliri pagkatapos i-touch ang genitals. Mga 54.8 na babae at 54.2 na lalaki ang nagsabing ginagawa nila ito para i-tsek kung hindi na kaayaaya ang amoy nito. Ang masamang amoy ay indikasyon ng kailangan na itong linisin o sintomas ng genital infection.

4.  Sinusungkit ng daliri ang loob ng ilong na para bang may makukuhang ginto rito. Mas ayaw lumabas ang kulangot, mas lalong natsa-challenge ang daliri na i-push pa ito patungo sa dulo ng walang hanggan para ito dukutin at ilabas. Ang nakakasorpresa, marami ang gumagawa nito, 97 percent sa mga babae; 95.3 percent sa mga lalaki.

“Surprisingly, scientific research from both Harvard and MIT (published in the journal of the American Society for Microbiology) have revealed that eating boogies may be good for one’s health. Due to their “rich reservoir of good bacteria,” it has the potential to help the immune system fight back against respiratory infections, stomach ulcers, and HIV.”             

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

(Itutuloy)

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: