^

Punto Mo

40 signs na ‘healthy’ ka

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… base sa indicators ng dermatologists, general practioners, dentists, surgeons, psychologists, nutritionists:

1. Kung babae ka, regular ang iyong menstral cycle (interval ng 27 to 35 days).

2. May makapal kang buhok at matibay na kuko.

3. Masigla ang iyong katawan

4. Nakokontrol mo ang iyong emosyon

5. Bihirang sumakit ang iyong ulo o kung sumakit, ito ay sandali lang.

6. Nakakahinga ka nang maluwag kahit pa may lagnat ka.

7. Maganda ang daloy ng iyong dugo. Hindi ka nakakaranas ng pulikat sa binti.

8. Fresh ang amoy na iyong hininga.

9. Hindi ka nanghihina pagsapit ng hapon.

10. Maganda ang iyong balat.

11. “Fresh” at masiglang tingnan ang iyong mukha

12. “Clear” ang mata, hindi naninilaw at hindi namumula.

13. Sakto lang ang fat sa tiyan at hindi malaki na parang buntis.

14. Hindi tinutubuan ng acne.

15. Nakakayang mag-exercise nang walang sumasakit sa katawan o hindi sumasama ang pakiramdam.

16. Binabalanse ang kinakain: karne, gulay prutas.

17. Normal ang vaginal discharge pero abnormal kung discharge ay may masamang amoy.

18 Normal na magkaroon ng cramps kung may monthly period pero ito ay hindi dapat na sobra ang sakit.

19. Mayroon kang healthy gum tissues.

20. Sinasabi ang nais sabihin upang maiwasan ang pagkimkim ng sama ng loob.

21. Nagagawa ang pang-araw araw na gawain nang hindi humihingal.

22. Hindi ka obsessed sa pagkain

 23. Umeebs ka once a day.

24. Hindi sumasakit ang iyong kasu-kasuan.

25. “Clear” ang iyong ihi.

26. Pink ang iyong dila.

27. Mabilis kang gumaling pagkatapos ng isang operasyon.

28. Kapag kinurot ang iyong balat ito ay mabilis nagba-bounce back. Meaning hindi nananatiling nakalubog ang balat.

29. Kapag naka-Buddha sit or yoga sit, mabilis kang nakakatayo agad nang walang katulong.

30. Mahimbing kang matulog.

31. May allergy ka pero nagagamot kaagad.

32. Sinisipon ka lang once a year.

33. Hindi mo kailangang ilakas ang volume ng TV kapag nanonood ka.

34. Maganang kumain pero hindi “matakaw”.

35. Nakakayang kumalas sa mga kaibigang hindi na maganda ang pinagagagawa sa buhay.

36. Hindi lumalagutok ang panga kapag ngumanga.

37. Ang blood pressure ay 119/79 or mas mababa

38. Matitibay ang ngipin

39. Hindi manipis ang balat sa paligid ng mga mata.

40. Maraming laway ang napo-produce ng iyong bibig.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with