^

Punto Mo

Ang kinakain ng Victoria’s Secret Models

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ALAMIN natin ang kinakain nila at baka may mapulot tayong tips kung paano sumeksi pero healthy pa rin:

Miranda Kerr

Sinisimulan niya ang kanyang umaga ng mainit na tubig na may lemon juice para makatulong sa kanyang digestive system. Pagkalipas ng ilang oras, iinom siya ng smoothie na gawa sa pinagsamang prutas at gulay. Tapos magyo-yoga. Ang tanghalian niya ay salad na may kahalong salmon. Sa hapunan naman ay roasted chicken ang kanyang kinakain.

Stella Maxwell

Wala siyang sinusunod na strict diet. “She eats in moderation”.  Ang kanyang almusal ay tortang itlog, avocado at oatmeal. Ang tanghalian at hapunan ay kinapapalooban ng protein at green vegetables. Halimbawa, salmon at vegetable salad.

Josephine Skriver

Kadalasan ay ito ang kinakain niya sa maghapon: Tortang itlog, spinach at one cup na brown rice. Ang lagi niyang baon para sa miryenda ay nuts at prutas.

Gisele Bündchen

Sa umaga ay umiinom siya ng lemon water. Tapos susundan niya ito ng prutas at gulay. Kumakain siya ng brown rice, quinoa at beans. Bawal sa bahay niya ang mga pagkaing mula sa white sugar, white flour.

Adriana Lima

May sinusunod siyang strict diet: 7 to 9 hours sleep per night. Mga 2 to 4 liters of water per day. Hindi siya kumakain ng asukal, processed food at hindi umiinom ng alak. Kumakain siya ng kanin bago mag-exercise. Hindi siya nag-e-exercise tatlong araw bago mag-show. Ito ang payo ng kanyang nutrionist.

Bella Hadid

Basta’t ang kanyang pagkain laging kinapapalooban ng protein at fats: nuts, avocado, olive oil, coconut oil, and chia seeds. Iniiwasan niya ang inflammation and bloating sa pamamagitan nang hindi pagkain ng gluten, dairy, processed foods at asukal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with