^

Punto Mo

Pinakamabilis na solong paglalayag paikot ng mundo, nagawa ng lalaki mula France

Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGAN lamang ng French sailor na si Francois Gabart ng 42 araw at 16 oras upang ikutin ang  mundo sa pamamagitan ng paglalayag mag-isa.

Sa bilis ng kanyang paglalakbay ay mas maikli pa ito ng 6 na araw sa dating world record na naitala ng kababayan niyang si Thomas Coville noong isang taon.

Sinusundan ng mga organizers ng world record attempt ang paglalakbay ni Gabart sa pamamagitan ng GPS satellite at nakumpirma nilang nakatawid na ang 34 anyos na mandaragat sa finish line nang narating na nito ang Ouessant Island sa kanlurang baybayin ng France nito lamang Linggo.

Dose-dosenang mga sasakyang pandagat ang sumalubong sa bangka ni Gabart na binansagan niyang “Macif.”

Inabangan naman siya ng kanyang mga taga-suporta sa kalapit na pantalan ng Brest kung saan niya sinimulan ang kanyang paglalayag noong November 4.

Bagama’t sanay sa pag-iisa ay lubos namang ikinagalak ni Gabart ang naging mainit na pagtanggap sa kanya ng napakaraming mga tao, na walang-sawang tinutukan ang kanyang matagumpay na paglalakbay paikot ng buong mundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with