^

Punto Mo

Extension ng termino ni Digong?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PURO extension na lang ang ginawa ni President Duterte sa mga opisyales ng gobyerno at proyekto niya at nitong huli umugong na rin pati extension ng termino niya. Idinetalye pa ng opposition kung paano ma-extend ang termino, hindi lang ni Digong, kundi maging sa mga kaalyado niya sa pulitika. Sa totoo lang, ang naunang na­bigyan ng extension ay ang drug war ni Digong at pagkatapos ay ang termino ni Armed Forces chief Gen. Rey Leonardo Guerrero. Habang nitong nagdaang araw ang nabigyan ng extension ay ang martial law sa Mindanao at ang termino ni PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa, na sure ball nang hepe ng Bureau of Corrections sa paglisan niya sa Camp Crame. Sino kaya ang kasunod na mabigyan ng extension? Dapat lang mangamba ang mga militante, Simbahan at mga opposition dahil may posibilidad na ang kasunod na extension ay ang termino ni Digong kung itong mga kilos niya sa itaas ang gagawing basehan, di ba mga kosa? Hak hak hak! Panay sambit ni Digong na lilisanin niya ang puwesto sa anumang oras subalit may balak kaya siyang term extension? Hehehe! Weder weder lang ‘yan!

Siyempre, sa pagbigay niya ng extension kay Bato, nagulantang ang mga opisyales sa Camp Crame, lalo na ang kampo ni Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario, ang deputy chief for administration ng PNP. Sa isang joint command conference kasi sa Malacañang, narinig si Digong na nagbitaw ng salita na si Apol na nga ang papalit kay Bato at saksi rito ang mga police at military officials. Subalit nagbibiro lang kaya si Digong sa tinuran n’ya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Sinabi ni Digong na kaya niya na-extend si Bato ng dalawa o tatlong buwan ay dahil may ipinapagawa pa ito sa huli. Hindi kaya ni Apol isakatuparan ang utos ni Digong? Ganun ba ‘yon mga kosa? Subalit kahit na-extend man ni Digong si Bato, dapat hindi mawalan ng pag-asa si Apol dahil si Guerrero ay halos dalawang buwan na lang magretiro subalit na-aapoint pa bilang AFP chief. At hindi lang ‘yan? Na-extend pa ng apat na buwan si Guerrero kaya’t may pag-asa pa si Apol. Get’s n’yo mga kosa? Boom Panes! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa totoo lang, matagal nang umuugong ang balita na i-extend ni Digong itong si Bato at nagulat nga ang lahat sa paglutang ng pangalan ni Apol. Kaya ang bagong tsismis sa Camp Crame dahil sa extension ng termino ni Bato ay buhay na naman ang hasang ng mga nagnanais na maging PNP chief. Siyempre, mauuso na naman ang gibaan at sipsipan kay Pres. Assistant Bong Go, ang linya ng mga pulis at iba pang gustong maupo sa puwesto kay Digong. Subalit ang isang kandidato na pasipol-sipol lang ay si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde, na biglang lumitaw ang pangalan bilang kandidato para palitan si Bato matapos ma-extend ang huli. Kung sabagay, malaki ang tsansa ni Albayalde dahil i-endorso siya tiyak ni Bato, na kaklase n’ya sa Philippine Military Academy (PMA) Class 86. Bilang NCRPO chief kasi mga kosa, window ka ng Metro Manila kaya maaring masabi itong training ground ng PNP chief. Get’s n’yo mga kosa? At sa tingin naman ng mga kausap ko, pumasa si Albayalde with flying colors sa mga iniatang sa kanya na trabaho tulad ng security ng ASEAN meeting at iba pa. At higit sa lahat, umandar ang Kapampangan connection ni Albayalde. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Bago ang lahat nais kong batiin si Chief Supt. Romulo Sapitula, ang bagong upo na director ng PRO1 ng PNP. Halos 18 months ding hepe ng Eastern Police District si Sapitula kaya nasaksihan ko ang sipag at tiyaga niya sa trabaho. Subalit sino kaya ang padrino ni Sapitula dahil hindi naman kaila sa mga kosa ko sa Camp Crame na mahaba ang pila ng aplikante sa puwesto. ‘Ika nga mga kosa, pinaglalawayan ng mga PNP officials ang PRO1 dahil halos kabalikat lang ito ng PRO 3 at PRO 4-A. Never heard nga ang pangalan ni Sapitula subalit siya ang nagwagi. Sa nagtulak kay Sapitula, sa tingin ko naman ay hindi siya mapapahiya kung trabaho ang pag-uusapan. Saludo ako sa ‘yo Gen. Sapitula Sir. Congrats! Hak hak hak! Baka maimbita akong dumalaw sa PRO1 ah!

Teka nga pala! Ang incoming EPD director ay si Chief Supt. Rey Biay, ang dating deputy regional director for administration (DRDA) ng PRO1, na kaklase rin ni Bato at Albayalde. Congrats and good luck sa ‘yo Sir Biay! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with