^

Punto Mo

Sanhi ng pagbabara ng ugat

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

(Huling Bahagi)

KUNG “inflammation” nga sa loob ng ugat ang sanhi ng pagbabara, anu-anong mga hakbang ang dapat nating gawin upang makaiwas o mabawasan ang proseso ng inflammation sa loob ng ugat?

Makatutulong ang mga sumusunod:

Iwasang manigarilyo. O kung naninigarilyo na, ihinto na ito. Kahit ang sinasabing second-hand smoke ay hindi rin maganda. Nakapagdudulot pa rin ito ng inflammation.

Ibaba ang level ng inyong blood sugar kung diabetic  na tungo sa normal. Mas maiging kontrolin ang inyong blood sugar level hangga’t di pa nada-damage ang mga arteryang ugat.

Panatilihing normal ang inyong blood pressure. Kung may alta presyon na, regular na uminom ng gamot upang mapababa ang BP. Ang marahas na pagsulak ng dugo habang dumadaloy sa ugat kapag mataas ang BP ay nagdudulot ng inflammation sa dingding ng mga ugat.

Itsek ang inyong blood cholesterol level. Kung lampas na sa level ng normal, baka hindi na diet lamang ang kailangang baguhin. Marami ng gamot na klasipikadong “statins” na makapagpapababa ng inyong blood cholesterol.

Panatilihin ang normal na timbang. Kung obese o overweight, magsimula nang magbawas.

Regular na mag-ehersisyo. Humanap ng isang exercise program na puwede n’yong gawin araw-araw. Tiyakin na mag-eenjoy kayo sa gagawing ehersisyo upang maging bahagi na ito ng inyong paraan ng pamumuhay.

Iwasang ma-stress nang matindi. Anumang bagay na nagdudulot ng matinding pag-aagam-agam o pag-aalala ay maituturing na stress.

Iwasan ang pagpupuyat. Maituturing din itong stress.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with