^

Punto Mo

Ang Asawang Bigla na lang Nawala

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

SA gitna ng pagkukuwento ni Abet ay pinutol ito ng isang katanungan mula kay Ana: Nagkaasawa ka ba habang may amnesia ka ?

Napatulala si Abet. Hindi kaagad nakasagot. Kinabahan si Ana. Masuyong hinalikan ni Abet sa pisngi ang asawa saka nagsalita.

“Hindi. Hindi ako nagkaasawa. Sa kabila ng pagkawala ng aking memorya, laging may ibinubulong ang aking puso na hindi dapat ako mag-asawa. May babae akong napapanagipan na hindi ko mamukhaan dahil malabo. Sinasabi ng babaeng iyon na hinihintay niya ako. Ngayon ko naisip na ikaw siguro ang babaeng iyon.”

“Hindi mo ba inisip na humingi ng tulong sa pulis o kaya ipagamot ang sarili mo?”

“Ayokong may makaalam na may amnesia ako. Baka biglang may magpakilala na kamag-anak ko sila o asawa ko ang isang babae? Baka may magsamantala sa aking kalagayan. Nang una akong dumating sa Baguio, sa terminal ng bus ako natulog. Doon ako tumambay ng ilang araw hanggang sa magprisinta akong tagalinis ng bus. Nag-imbento ako ng pangalan ko. Nakisama akong mabuti sa mga tao doon. Naging utusan ako ng mga driver at kundoktor. Isang araw ay may kailangang ayusin sa bus. E, walang mekaniko na pumasok. Sabi ko, titingnan ko ang makina. Para kasing may nagdidikta sa akin na kaya kong ayusin ang sira. Aba, tsamba, napaandar ko ang makina.

Simula noon na-promote ako mula sa tagalinis hanggang sa maging assistant mekaniko. Nang magkaroon ng regular na suweldo, umupa ako ng isang maliit na kuwarto. Ilang taon din akong nagtrabaho doon. Pero palipat-lipat ako ng talyer. Ayokong may maka-close na tao dahil baka mabisto ang tunay kong kalagayan. Palipat-lipat din ako ng bahay. Hanggang isang araw ay nabundol ako ng motorsiklo. Tumilapon ako at nauntog na naman ang aking ulo. Nang magkamalay ako sa ospital saka nanumbalik ang aking alaala.

Nakakatuwa nga ang nangyari dahil sa terminal ng bus nagsimula ang aking buhay dito sa Baguio; sa terminal din ng bus nagtapos ang Baguio episode ng aking buhay dahil pagkalabas sa ospital, diretso kaagad ako sa terminal para makauwi kaagad ng Maynila. Alam mo bang ang dinadasal ko sa buong biyahe ay sana narito ka pa rin sa bahay natin sa Legarda.”

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik sa Baguio si Abet, this time, kasama na si Ana. Ipagtatapat ni Abet ang katotohanan sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay sa Baguio. Hindi siya nakapagpaalam pagkalabas ng ospital. Kasama na rin sa pagdalaw ang malaking pasasalamat sa mga tagaroon na naging bahagi ng buhay niya.

              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with