^

Punto Mo

Isla Paraiso (107)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI pa rin makapaniwala si Marikit sa balitang ipinagbabawal na ng Presidente ang lahat nang uri ng pagmimina sa buong bansa.

Muli niyang pinasadahan ng basa ang balita sa diyaryo. Talagang totoo na pinatitigil na nga ang pagmimina.

Ayon sa report ang walang habas na pagmimina ng mga dayuhang kompanya ang dahilan kaya nagkakaroon ng erosion at pagkawasak ng mga bundok sa maraming bahagi ng bansa.

Dahil mahina na ang mga bundok, sa pagbuhos ng ulan ay nabibiyak ang mga ito at iluluwa ang mga bato at lupa. Bukod dito, nasisira ang pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga tao. Ang mga ilog at dagat ay hindi napapakinabangan dahil dito pumupunta ang latak ng mina.

Ang ganitong dahilan ang nagtulak sa Presidente para ipatigil ang pagmimna. Aarestuhin ang mag-ooperate ng minahan at ikukulong.

Masayang-masaya si Marikit. Maaa-ring nabasa ng Presidente ang kanyang mga artikulo ukol sa balak na pagmimi­na sa Isla Paraiso. Siguro’y na-touch ito sa mga sinabi niya na wala nang maninirahan sa Isla kapag na-tuloy ang pagmimina. Sino pa ang titira sa sirang isla?

Marami na siyang nasulat na artikulo ukol sa mining at ilan dito ang nagkamit pa ng awards. Marami ang humanga sa pagkakasulat niya.

Hanggang sa maisip niya sina Sir Alexis, Lolo Kandoy at Benhur na nakikipaglaban sa mga magmimina. Ngayon ay tapos na ang kanilang pakikipaglaban. Pero paano kaya niya maipaaalam sa kanila.

Sana ay magtungo rito sa Maynila si Benhur. Para masabi niya na tapos na ang problema.

 

NANG mga sandaling iyon naman ay nakakulong nang lahat ang mga kalaban nina Alexis. Iilang tauhan na lamang ni Jumbo ang natitira.

Inutusan ni Alexis si Benhur na magtungo sa Maynila para makipagkita kay Marikit.

Isang sulat ang ginawa ni Alexis.

“Ibigay mo kay Marikit ang sulat na ito, Benhur.”

“Opo.”

Kinabukasan, umalis na si Benhur patungong Maynila.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with