^

Punto Mo

‘Admin officer ng QMC, saksakan ng sinungaling, hindi na lang umamin!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Nakatikim ng katakut-takot na sermon mula sa amin ni ‘Tol Erwin ang kolokay na Admin Officer V ng Quezon Medical Center na si Ruffa De Chavez.

Maligaya sana ang Pasko ng pamilyang Moulic na tubong Quezon Province kung maire-refund ng ospital ang kanyang twenty-five thousand pesos.

Papauwi raw galing eskwelahan ang binatilyong nagrereklamo ng mabangga ng van ang sinasakyan nilang tricycle na siyang humantong sa pagkakabali ng kanyang buto.

Agad ‘tong sinugod sa QMC at kilos pronto rin na nagbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nagkakahalagang thirty-five thousand pesos thru cash voucher.

Nang ooperahan na ang binatilyo ay humingi ng 25K cash ang ospital dahil bibilhin pa ang bakal na ikakabit sa kanya mula pa sa Maynila. Talagang segurista, pinakita lamang na ‘ala silang tiwala sa ahensya ng gobyerno! Anong tingin n’yo sa PCSO manggagantso?

Sabi naman daw kasi ni Admin De Chavez ay refundable ito sa loob ng isang buwan subalit noong oras ng singilan ay dedma na ang ospital. Ngayon, anim na buwan na ang nakalipas ay nagmistulang inilista sa tubig ang kwarta na kanilang pinambayad!

Para sa agarang aksyon, kinompronta namin si Ruffa at talagang kapalmuks niyang sinabi na dalas-dalasan pa raw ang follow-up para makuha na ang pera.

Wala pang isang minuto ay para bang nagulantang ang ginang na ‘di raw sa kanya naibigay ang voucher at cash na 25K. Anak ka ng hijo-de-puto, mukhang hanggang sa hukay ay igigiit ‘to ng aanga-angang officer!

Dahil mukhang nakalaklak ng agua de pataranta ang ginang at nakalimutan na ang nangyari noon ay dumiretso na kami sa Provincial Admin ng ospital na si Webster Letargo. Nangako naman siya na tututukan ang insidente at pagbabayarin ang dapat managot.

Uulitin ko Ruffa De Chavez hindi Quinto, hindi Gutierrez, kundi De Chavez! ‘Wag ka na makipagmatigasan kung alam mong mali ka naman. Magdasal ka na at magpakatino kung ayaw mong mapukpok sa bunbunan!

Kaya mga boss, kung gusto niyo matunghayan ang mga seryoso, basag-trip, hambalos at laughtrip na kwento kagaya nito ay sa bisitahin lamang ang aming official YouTube Channel na Bitag Official at ‘wag kalimutan na mag-subscribe para updated sa aming fresh uploads na videos para lamang sa inyo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with