^

Punto Mo

Ang Asawang Bigla na lang Nawala (Part 4)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PAGKARAAN ng 10 taon hindi sinasadyang paghihiwalay, ang unang gabi na magkasama ang mag-asawang Abet at Ana ay ginugol nila sa pagkukuwentuhan. Ano ang nangyari kay Abet at bigla na lang siyang nawala nang walang kaabug-abog.

Isang araw bago nawala si Abet, siya ay nadulas sa talyer ng Kuya Jim ni Ana. Napahampas ang ulo niya sa sahig. Nagulat pa nga noon si Jim at ito ang kumuha ng yelo para idampi ni Abet sa bukol. Kinabukasan ng umaga ay nadadama pa niya ang kirot. Plano sana niyang mag-absent sa trabaho pero nanga­ko na siya kay Jim na siya ang susundo sa biyenan nitong magbabalik-bayan. Tiniis  niya ang kirot. Bahagyang natanggal ang sakit ng ulo niya nang mag-inuman sila. Tapos umuwi na  siya sa kanilang bahay sa Legarda.

Pagbaba sa Bustillos natanaw niyang may misa sa simbahan. Dumaan muna siya sa simbahan bago tuluyang umuwi sa bahay. Nakadama siya ng pagkahilo habang nakaluhod. Umupo siya. Bigla siyang nag-black out. May malay siya. Gising siya pero natulala siya nang ilang saglit. Nag-black out siya as in nawala ang kanyang memorya. Para siyang nakatulog tapos pagmulat ng mata ay wala na siyang maalaala.

Hindi niya alam kung nasaan siya. Alam niyang simbahan pero anong lugar ang kinaroroonan niya. Lumabas siya ng simbahan at naglakad. Baka sakaling may maalaala siya. Palibhasa ay gulong-gulo siya sa nangyayari sa kanya, basta na lang siya sumakay ng jeep na patungo pala sa Cubao. Ang nangyari sa kanya ay naging ‘pakawala’ na siya. Bahala na.

Pagdating sa Cubao, napadaan siya sa bus terminal ng mga bus na patungong Baguio, sumakay agad siya dito. Baka sakaling sa “pamamasyal” niya ay manumbalik ang kanyang memorya. Nagkataong bagong suweldo siya nang araw na iyon kaya marami siyang pera. Ang biyaheng ito  ang naging daan para manirahan siya sa Baguio sa loob ng sampung taon. Napatigil si Abet sa pagkukuwento dahil may itinanong si Ana.

Nagkaasawa ka ba habang may amnesia ka ?

Napatulala si Abet. Hindi kaagad nakasagot. Kinabahan si Ana.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with