^

Punto Mo

EDITORYAL - Ayuda sa mga nabakunahan ng Dengvaxia

Pang-masa
EDITORYAL - Ayuda sa mga  nabakunahan  ng Dengvaxia

GUMULONG na ang Senate investigation sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine. Sa ikalawang hearing, dumalo ang mga inimbitahan kabilang si dating President Noynoy Aquino.  Dinepensa niya ang desisyon na i-implement ang P3.5 bilyong vaccination program noong 2016. Layunin nila na makapagsalba ng buhay.

Sa unang pagdinig noong Lunes, nagkanya-kanyang turuan ang mga dating Health officials kaugnay sa Dengvaxia. Lahat ay nagsasabing wala silang kasalanan sa pagbibigay ng bakuna. Wala rin daw nangyaring corruption sa pagbili ng Dengvaxia. Kumunsulta umano sila sa mga eksperto bago ginawa ang vaccination program.

Nagsimula ang kontrobersiya nang ihayag ng Sanofi na palulubhain nito ang dengue kapag naiturok sa hindi pa nagkakasakit nito. Kailangang ibakuna ito sa mga nagka-dengue na. Itinigil na ng Department of Health (DOH) ang immunization program. Mahigit 800,000 katao karamihan ay mga batang mag-aaral sa National Capital Region (NCR), Calabarzon at Central Luzon ang nabakunahan noong Abril 2016.

Maraming health experts ang nagsabi na minadali ang pagbibigay ng bakuna. Hindi naman daw napakaseryoso ng dengue sa bansa kaya lubhang nakapagtataka kung bakit ura-urada itong ibinigay sa mga bata. Maari pa naman daw hintayin na mapag-aralang mabuti ang Dengvaxia kung totoong epektibo laban sa dengue.

Humarap din sa pagdinig ang dalawang Sanofi officials at pinanindigan nila na ligtas at mapagkakatiwalaan ang Dengvaxia. Ito ay sa kabila na inamin na mismo ng kompanya na palulubhain ang dengue kapag ibinakuna sa hindi pa nagkakaroon ng sakit.

Marami pang hahalukayin ang Senado sa isyung ito at maaaring mayroon pang  pagtuturuan at pagsisisihan. At habang may nagsisisihan, maraming magulang ng mga batang nabakunahan ang nanga­ngamba sa maaring sapitin ng kanilang mga anak.

Ang nararapat gawin ng DOH ay hanapin ang mga batang nabakunahan at magsagawa na ng pagmonitor sa kalagayan ng mga ito. Kailangan nila ng ayuda. Makipag-ugnayan sila sa mga magulang. Kaysa ubusin ang panahon sa pagtuturuan, ang mga kawawang bata ang pagbuhusan ng pansin ngayon. Sila ang dapat unahin at saka na ang mga dapat parusahan sa minadaling Dengvaxia. Mas mahalaga ang buhay ng mga bata ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with