^

Punto Mo

Road accidents, tumataas!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang ang mga street o petty crime ang inaasahang tumataas ngayong holiday seasons o kapaskuhan.

Maging ang road accidents ngayon pa lamang ay nasusumpungan nang kabi-kabila na nagaganap sa mga lansangan.

Nangunguna  na nga rito ang aksidente sa motorsiklo, na talagang halos araw-araw ay nagaganap.

Inaasahan na ito ng mga kinauukulan, dahil nga sa kabi-kabilang party na dinadaluhan ng marami nating kababayan.

Sa rekord ng pulisya, kadalasang dahilan ng aksidente ay ang pagmamaneho ng lasing ng isang driver o rider kaya  nadidisgrasya sa lansangan.

Ang siste pa rito, kapag nakainom na, meron pa na nagyayabang at walang pakialam sa kapwa niya motorista kaya ang resulta kung hindi maaksidente o makaaksidente, pinagmumulan pa ito ng gulo o away sa lansangan.

Kamakailan lang, isang motorista ang nagyabang sa may Morato St. sa Quezon City. 

Nakainom ito at pina-iikut ikot ang kanyang kotse sa gitna ng kalsada. Walang pakundangan sa madadamay niyang motorista at pedestrian.

Ito ang dapat na matutukan ngayon lalu na ng mga awtoridad, ang mga nagmamaneho ng lasing.

Dapat na rin marahil na mapag-aralan o itaas ang kaparusahan sa mga lalabag dito, kasi nga hindi lang naman buhay nila mismo ang nalalagay sa panganib, ang masakit pa ay yaong kanilang pwedeng idamay.Walang kadala=dala ,ika nga.

Problema na nga ang matinding trapik sa mga lansangan, problema pa rin ngayon ang mga pasaway na motorista na walang pakialam sa buhay ng iba.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with