^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nang mapuputulan ng daliri dahil sa paputok

Pang-masa

MAHIGIT dalawang linggo na lamang at magpapalit na ang taon. At napapansin n’yo ba na wala kayong naririnig na putok ng piccolo, rebentador o kuwitis? Noong nakaraang taon, sa kaparehong petsa ay may narereport nang napuputulan ng daliri at nasasabugan sa mukha dahil sa piccolo. Pawang mga bata ang biktima ng piccolo sapagkat hayagang nabibili sa mga tindahan.

Maaaring sa pagpapalit ng taon ay hindi na magiging busy ang mga doctor at nurses sapagkat wala nang masusugatan dahil sa paputok. Bawal na ang paputok sapagkat iniisyu ni Pres. Rodrigo Duterte noong Hunyo ang Executive Order No. 28 na nagbabawal sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok na nagreresulta sa pagkapinsala at pagkamatay hindi lamang ng mga gumagamit nito kundi pati na rin ang dumadaan sa kalsada. Sa ilalim ng EO 28, papayagan ang paggamit ng pyrotechnics at fireworks sa mga designated areas lamang. Hindi na ito papayagan sa mga kalsada o sa harap ng bahay. Gayunman, sa kasalukuyan, wala pa umanong lugar na pagdarausan ng fireworks display.

Mukhang marami ang tatalima sa EO 28 sapagkat marami na sa fireworks makers ang hindi na nag-renew ng lisensiya. Ayon sa report, ang mga gumagawa ng paputok sa Bulacan ay hindi na nag-aksaya pang mag-renew ng lisensiya sapagkat inaasahan na nila ang mabigat na kaparusahan kapag lumabag sa batas. Tanggap na umano ng fireworks makers ang kanilang kapalaran na wala na nga ang kanilang negosyo na in demand kapag sumasapit ang Bagong Taon. Naihanda na umano nila ang sarili ukol dito.

Nararapat lamang na wala nang magpapaputok sapagkat disgrasya lamang ang makukuha rito. Sa halip na maging masaya ang Bagong Taon ay nagiging malungkot dahil naputulan ng daliri o kaya’y nabulag. Bukod pa rito, isa sa pinagmumulan ng sunog ang mga paputok. Lungkot at hindi saya ang madarama kapag naputukan at nasunugan.

Nararapat lamang ang pagbabawal sa paputok. Tapos na ang nakaugaliang pagpapaputok na wala rin namang naidudulot sa buhay. Ngayon ay makakahinga na nang maluwag sapagkat wala nang mapuputulan ng daliri.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with