^

Punto Mo

EDITORYAL - Ituloy ang jeepney modernization

Pang-masa
EDITORYAL - Ituloy ang jeepney modernization

SABI ni Sen. Grace Poe noong Lunes sa public hearing ng Senado ukol sa jeepney modernization, may nakikita raw siyang butas dito. Hindi raw maayos ang plano at kailangan pang maplantsa muna bago ang modernization sa may 270,000 jeepney sa buong bansa. Saan din daw kukunin ang pondo para sa pagbili ng mga makabagong jeepney at sana raw ay babaan ang interes para hindi mahirapan sa pagbabayad ang mga jeepney operator at driver. Pero ayon kay Poe, baka abutin pa ng tatlong taon bago ganap na maipatupad ang jeepney moder­nization. Marami pa raw kunsultasyon ang dapat gawin ukol dito.

Mukhang nakakuha ng kakampi ang mga jeepney operator sa katauhan ni Poe. Maaaring si Poe rin ang naging instrumento kaya hindi natuloy ang dalawang araw na tigil pasada ng transport group Piston noong unang linggo ng Disyembre.

Kung ganitong maraming nakikitang butas si Poe sa planong modernization, masisira naman ang balak ni Pres. Rodrigo Duterte na walisin na sa kalsada sa darating na 2018 ang mga kakarag-karag na jeepney na nagdudulot ng air pollution at nagpapalubha sa trapik sa Metro Manila.

Noong nakaraang buwan, mariing sinabi ni Duterte na sa pagpasok ng 2018, wawalisin na ang mga jeepney sa kalsada. Kapag hindi raw sumunod ang mga driver at operator, ipasusuyod niya ang mga ito. Ang mga jeepney ang nagbubuga nang nakalalasong usok na nagiging dahilan para magkasakit ang sinumang makalalanghap. Kabilang sa apektado ang respiratory system. Bukod sa pollution, ang mga driver din ng jeepney ang walang disiplina sa kalsada at dahilan nang maraming sakuna.

Matagal nang plano ang jeepney modernization kaya hindi na dapat ipagpaliban pa. Go na ang modernization para naman mawala na ang mga karag-karag at naghambalang na mga jeepney na pabigat sa trapiko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with