^

Punto Mo

Isla Paraiso(103)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTATAKBO ang babae patungo sa damuhang bahagi. Isinenyas niya kanina kay Jumbo na gusto niya sa damuhan. Agad namang nahulaan ni Jumbo ang gustong mangyari ng babae.

Kaya mabilis itong sinundan ni Jumbo. Takaw na takaw na si Jumbo sa babae. Sa totoo lang gusto ni Jumbo ang ginagawa ng babae. Mas nahihirapan ay gusto niya. Mas marami siyang sakit na nararanasan ay okey sa kanya.

Kapag naabutan niya ang babae, ay ito naman ang patitikimin niya ng hindi malilimutang sakit. Sasaktan din niya ang babae bago niya paligayahin. Kaya amanos lang sila. Pinahihirapan siya ngayon ng babae pero mamaya kapag nahuli niya ito, pahihirapan din niya. Mas matinding hirap ang ipagkakaloob niya.

Sige takbo pa! Mahuhuli rin kita!

Pero sa halip na sa damuhang bahagi tumakbo ang babae, sa may bahaging kakahuyan gumawi. Nagbago ng isip ang babae.

Pero dahil atat na atat na si Jumbo, sinundan niya ang babae. Hindi niya ito pakakawalan sapagkat malaki na ang puhunan niyang pagod. Lulurayin na niya ito kapag nahuli.

Pagtapat ng babae sa isang malagong puno, tumigil siya. Mukhang papayag na siya sa gusto ng lalaki. Eksaktong sa tapat nang malago at mala-king puno.

Nagmadali si  Jumbo nang makitang tumigil ang babae. Napagod din siguro ang babae kaya tumigil sa pagtakbo.

Binilisan ni Jumbo ang pagtakbo.

“Eto na akoooo!”

Pero pagtapat ni Jumbo sa malaking puno, isang malaking lambat ang big­lang nahulog at sumaklob sa kanya.

Huli siya!

Parang isda na hindi makawala kahit pumupusag.

Napangiti ang babae. Nagsalita: “Huli!”

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with