^

Punto Mo

Isang Buong Bayan Sa Germany, Nabili Sa Napakamurang Halaga

Arnel Medina - Pang-masa

ISANG buong bayan sa Germany ang naipagbenta sa ha-lagang 140,000 euros o katumbas lang ng P8.3 milyon.

Anonymous buyer ang nakabili sa maliit na bayan ng Alwine na mayroon lamang 20 residente.

Ang nanalong buyer ang tanging lumahok sa subastahan na isinagawa ng Karhausen auction house kaya naman sa kanya na napunta ang buong bayan, kabilang na ang anim na kabahayan at ilang mga gusali na matatagpuan doon.

Nakatago sa gitna ng isang kakahuyan ang Alwine kaya mangilan-ngilan lang ang residenteng nakatira doon. Naubos ang mga tao sa Alwine nang magsara ang kalapit na plantang siyang nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming residente.

Pulos mga matatandang retirees na lang ang matatagpuan ngayon sa Alwine at sila ay nagkakasya sa pagtira sa mga unti-unti nang nabubulok na mga tahanan.

Dati nang naipagbili ang buong bayan ng Alwine noong 2000 ngunit wala rin nagawa ang mga bumili nito upang mapaganda ang bayan at maibalik ang sigla nito.

Kaya naman hindi natuwa sa nangyaring bentahan si Andreas Claus, ang mayor ng Uebigau-Wahrenbrueck na siyang may sakop sa Alwine. Kailangan na raw kasi ng madaliang repairs ng mga bahay sa Alwine kaya kakausapin niya kaagad ang anonymous buyer ng lugar upang malaman kung anong plano niyang gawin ukol dito.

Hindi na dapat magtaka sa kalagayan ng Alwine dahil ito’y nasa silangang bahagi ng Germany na laging nahuhuli pagdating sa karangyaan kung ikukumpara sa kanlurang bahagi ng nasabing bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with