^

Punto Mo

Gibaan sa PNP!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HABANG wala pang order si Dep. Dir. Gen. Ramon Apolinario bilang bagong hepe ng Philippine National Police, tuloy pa rin ang gibaan sa PNP. Mukhang hindi pa maka-move on ang ilang kandidato sa pagka-PNP chief matapos sabihin ni President Digong sa isang command conference sa Malacañang noong Martes na si Apol na ang papalit kay PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa. Nangangarap pa rin ang ilang matataas na opisyales ng PNP na nagbibiro lang si Digong at maaring magbago pa ang desisyon niya. Kaya sa ngayon, kung anu-anong isyu ang lumalabas laban kay Apol tulad nang lumaki siya sa Comptroller family, wala siyang field experience at iba pa. Si Apol mga kosa ay magreretiro sa Agosto 31 kaya kapag siya na nga ang papalit kay Bato, goodbye na lang sa ambition ng mga opisyales ng PNP na mag-reretiro una sa kanya. Hak hak hak! Wala na silang matawag kong better luck next time, di ba mga kosa? Kaya nagkukumahog ang mga apektadong opisyales ng PNP na gibain si Apol at nagbabakasakali na sila ang basbasan ni Digong na papalit kay Bato. Get’s n’yo mga kosa? Subalit sa mga opisyales ng PNP naman na kilala si Digong, wala ng pag-asa na mabago pa ang isipan ni Digong dahil kilala itong lalaking kausap! Tumpak!

Hindi lang si Apol ang ginigiba sa PNP kundi maging si Chief Supt. Erickson Velasquez, ang deputy chief ng Directorate for Police Community Relations (DPCR). Umugong kasi sa Camp Crame na kapag si Apol ang PNP chief, si Velasquez ang pipiliin n’yang kanyang The Chief of Directorial Staff (TCDS), ang No. 4 man ng PNP. Abogado si Velasquez at hindi lang siya bastonero kundi maging alalay pa ni Apol sa day-to-day activities ng PNP, lalo na sa aspeto ng anti-drug war ni Digong. Kaya ang isyu na ikinakalat ng mga detractors n’ya, si Velasquez daw ay nakikipagkita pa sa mga Dilawan o Liberal Party at kapag nanalo ang mga ito siya ang magiging PNP chief. Hak hak hak! Cheap shot naman ito dahil paano mo mapapatalsik si Digong sa 80 percent acceptance rating niya sa mga naglalabasang survey? Parang nangarap sa wala si Velasquez, di ba mga kosa? Mas makakatulong si Velasquez kay Apol, na klasmeyt niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ’85, kung ang experience niya sa trabaho ang gagawing basehan. Get’s n’yo mga kosa?

Ang mahigpit na katunggali naman ni Velasquez sa TCDS na si Dir. Gregorio Pimentel, ang hepe ng Directorate for Intelligence, ay wala namang gumigiba. Si Pimentel, ayon sa mga kosa ko, ay may direktang linya kay Digong at halos araw-araw na kausap si Pres. Assistant Bong Go. Hehehe! Bagyo pala si Pimentel na nangangarap ding maging PNP chief, no mga kosa? Siyempre, sa puwesto ng TCDS, may habol din d’yan ang manok ko na si NCRPO chief Dir. Oscar Albayalde. Hehehe! Halatado ang pagsisipsip ko ah!

Kaya ko naman nabanggit si Albayalde sa pagka-TCDS mga kosa dahil kapag naupo si Apol, dapat ang NCRPO at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ay manok niya. Siyempre, kung papalitan si Albayalde, dapat i-promote siya at ang TCDS lang ang bakanteng puwesto at wala na. Mababakante rin ang Directorate for Investigation and Detective Management sa pagretiro ni Dir. Augusto Marquez sa Enero 12 subalit kapantay lang ito ng NCRPO. Get’s n’yo mga kosa? Kapag hindi nakuha ni Albayalde, ang TCDS eh lilipat lang siya sa posisyon na kapantay ng NCRPO? Hehehe! Dapat din sigurong premyuhan si Albayalde sa magandang record at accomplishment niya bilang NCRPO chief, lalo na ang security ng ASEAN, di ba mga kosa?

Sa tingin naman ng mga kausap ko, dapat i-black and white na ni Digong itong appointment ni Apol bilang kapalit ni Bato para matigil na ang gibaan sa PNP. At kapag may order na siya, ideklara na rin ni Apol kung sino ang TCDS, CIDG at NCRPO niya para mawala na rin ang sikuhan at matahimik na nilang isulong ang anti-drug campaign ni Digong. Habang may gibaan sa PNP, hindi ito makakabuti sa lahat ng programa ni Apol at maaring maging dahilan din na sumemplang siya na ipinapanalangin ng mga detractors n’ya! Boom Panes! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with