^

Punto Mo

Bawal sa EDSA, parami nang parami !

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Pinag-aaralan  ng pamunuan ng Metropolitan Manila Deve-lopment Authority (MMDA), base na rin sa kahilingan ng mga Metro Manila mayor  ang pag-ban sa mga motorsiklo na dumaan sa EDSA.

Layunin nito na mabawasan ang mga sasakyan sa naturang lansangan at mga aksidenteng madalas na kinasasangkutan ng mga motorsiklo na sinasabing  isa pa sa nakakadagdag sa matin-ding trapik dito.

Ang pag-ban sa mga motorsiklo ang nakikita nilang isa sa mga solusyon para mabawasan ang volume ng sasakyan na maituturing na isa sa pinakamatrapik na highway sa kasalukuyan.

Naglabas din ng datus ang MMDA na nagsasabing noong 2016 aabot sa 65,757 ang bilang na mga motorsiklong bumabagtas sa EDSA, ngayong taong ito malamang na nasa o mahigit pa ito sa 70,000.

Isang motorsiklo lang ang masangkot sa aksidente, na babagal raw ang takbo ng trapiko at siguradong lalong tutukod daw talaga ang trapik dito.

Siyempre papalag dito  ang mga rider, bakit nga naman daw sila pagbabawalan dito, gayong nagbabayad naman sila ng buwis at may karapatan din silang bumagtas sa naturang lansangan, na tama naman.

Parami na nang parami ang pinag-aaralang i-ban na dumaan sa EDSA.

Hindi nga ba’t ngayon na rin ang pasimula ng dry run sa car pooling. Bawal   sa fast lane ang nag-iisang nagmamaneho ng sasakyan.

Baka kapag nalaunan hindi lang sa fast lane ito ipagbawal, baka ang mangyari tuluyang ipagbawal sa EDSA ang nag-iisang nagmamaneho ng sasakyan at walang sinumang sakay.

Naku po, baka dumating ang araw , eh ipagbawal na sa lahat ng sasakyan   dito, siguradong luluwag nga ang trapiko!

Kaya nga ang dapat dito, dagdagan o lapalaparin pa ang daan.

Masasabing pangmatagalang solusyon ito at matagal pa bago maisakatuparan.

Pero ang maganda rito, dapat noon pa lang o kahit ngayon eh dapat nang masimulan. Habang tumatakbo ang araw, matatapos ito na magpapaginhawa sa daan.

Maaaring hindi ang pagbabawas sa mga sasakyan ang lunas sa matinding trapik dito, kundi ang pagdaragdag ng lansangan.

Masasabing long term nga ito, pero kung noon pa man o kahit ngayon eh masimulan na ito, magkakaroon din ng lunas sa problema at hindi ang lahat na lang eh ibawal na dumaan dito.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with