^

Punto Mo

Text message malalaos na rin

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

TILA, tulad ng iba pang mga nalumang teknolohiya sa pagdaan ng mahabang panahon, malalaos at hindi katataka kung mawala na rin ang mga text messaging o Short Message Service (SMS) dahil sa pagsulpot ng mga maka­bagong teknolohiya. Nagkaroon ng ibang plataporma ng pagpapadala ng mga mensahe  lalo na sa pagsulpot ng social media at ng mga smartphone.

Mahihiwatigan ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming tao na, may pagkakataong kapag meron silang pinadalhan ng text message sa  pamamagitan ng kanilang telepono, sa ibang plataporma sila makakatanggap ng reply tulad ng sa messenger o chat messages sa Facebook. Lalo na kung walang load ang prepaid na smartphone ng pinadalhan ng text message na dahil meron siyang data plan sa kanyang smartphone  ay sa social  media niya sasagutin ang nagpadala sa kanyang ng SMS. Pero baka matagal pa bago tuluyang maglaho ang sms dahil marami pa rin namang tao hanggang ngayon ang walang sariling account sa social media o kung meron man ay bihirang makapagbukas lalo pa kung  wala siyang sariling computer at internet connection o lumang version lamang ang kanyang cell phone na walang kuneksyon sa internet o wifi at walang load kung prepaid ang kanyang ginagamit.

Nagkaroon na rin ng ganitong obserbasyon ang Briton na si Neil Papworth na nakilala bilang unang tao sa mundo na nagpadala ng SMS. Sa isang panayam, malungkot niyang sinabi na naniniwala siyang dahan-dahan nang namamatay ang text messaging dahil maraming tao na ang lumilipat sa mga social media apps sa internet para magpadala o magpalitan ng mga mensahe. Hindi anya ito maiiwasan

Si Papworth ay isang software architect, designer and developer. Noong 1992, nagtatrabaho siya bilang developer at test engineer sa Sema Group Telecoms sa isang team na tinatrabaho ang paglikha ng isang Short Message Service Centre (SMSC) para sa kustomer nilang kumpanyang Vodafone UK sa Newbury, Berkshire.  Bilang bahagi ng kanilang proyekto, ipinadala niya ang unang text message sa mundo noong Disyembre 3, 1992 mula sa isang computer. Ang mensahe niya ay “Merry Christmas” na ipinadala niya kay Richard Jarvis, director ng Vodafone na nang mga oras na iyon ay nasa isang office Christmas party. Natanggap ni Jarvis ang mensahe sa cell phone niyang Orbitel 901.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with