Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Dengue vaccine at shabu parehong salot!

NAKAPANGINGILABOT malaman na ang bakuna para sa dengue na binili ng gobyerno noong 2015 sa halagang P3.5 bilyon ay maaaring pumatay sa naturukan nito. Ang pangamba ngayon ng mga magulang ay kung anong remedyo ang maaring makatugon sakaling magkaroon na ng negatibong epekto ito sa kanilang mga anak.

Delubyong malaki ito sa panig ng Department of Heath (DOH) kapag nagkataon. Ang Sanofi Pasteur na nag-manufacture ng bakuna ang mismong nagbabala ng masamang epekto nito sa mga nabakunahan. Papano ngayon ‘yan?

Kung sinong dapat managot kung sakaling may pagkukulang at kapabayaan sa paraan ng pagbili nito nang walang kaukulang pagsasaliksik at pagmamalasakit ay dapat malaman ng taxpayers.

Gawain ng pharmaceutical companies sa buong mundo ang tumuklas ng gamot, bakuna at mga suplementong pampaganda ng kondisyon ng mga katawan na hindi pinag-ukulan ng masusing pag-aaral ang magiging masamang epekto nito makalipas ang ilang panahon. Tulad ng shabu o crystal meth na inimbento noong 1871 ng Japanese pharmaceutical doctor na si Nagai Nagayoshi sa isang laboratoryo sa Germany na nasundan pa ni Akiro Ogata noong 1919. Maganda ang layunin ng dalawa, pero sa paglipas ng panahon, naging salot ang naimbentong crystal meth o shabu dahil bukod sa gamit nitong panggising at pagkalimot sa gutom ng mga sundalo at mga piloto noong WW2, nagiging addict ang mga gumagamit nito at kung hindi makahitit ng usok o makainom na may crystal meth o shabu ay nagiging mapusok at nawawala sa sarili ang mga gumagamit nito.

Maraming gamot ang naiturok na at nakonsumo ng mga tao sa buong mundo ang nagkakaroon ng masamang epekto sa katawan at ang dahilan ay negosyo. May mga gamot na nakapagpapabata, nakapagpapatalino, nagpapaganda ng kutis na ginagamitan ng pagtuturok ng gamot at ang iba ay may operasyon pang kinakailangan, pero gaano nakasisiguro ang pasyente na hindi ito magkakaroon ng masamang reaksyon sa katawan at lalo na sa pag-iisip nila?

Ang pag-inom o paghitit ng droga lalo na ang mahigpit na ipinagbabawal ngayon tulad ng ephedrine, meth o shabu, cocaine at mga party drugs na nakakasira ng pag-iisip ay dapat nang tuldukan. Maraming tumutuligsa sa Philippine National Police (PNP) sa paraan ng kanilang operasyon sa pagsugpo ng bisyo ng droga, pero dapat nating unawain na ang kanilang ginagawa ay para sa bayan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Doon naman sa mga pulis na protektor, kasosyo at kapitalista, tumigil na kayo!

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: