Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

HOV o fast lane, ipatutupad na!

SA Lunes magsasagawa ng dry run ang MMDA para sa ipatutupad na high occupancy vehicle (HOV) lane o ang “share a ride” o carpooling  sa kahabaan ng EDSA.

Ang HOV lane ay tinaguriang fast lane na ang puwede lang dumaan dito ay ang mga behikulo na may dalawa o higit pa ang sakay. Sila ang magiging prayoridad  sa naturang lane. Ito ay ang fifth lane sa EDSA.

Unang isasagawa ang dry run,  ibig sabihin hindi muna huhulihin ang mga maiispatan ng kanilang mga traffic enforcers na malamang ay sabihan muna, pero sa oras na tuluyan na itong ipatupad P500 ang multa sa mga mahuling lalabag.

Dapat muna umano na maging pamilyar ang motorista sa bagong traffic scheme na ipatutupad ng MMDA na inaprubahan ng Metro Manila Council.

Ayon sa MMDA, natuklasan daw na ang 70 porsiyentong bumabaybay sa EDSA ay iisa lamang ang sakay, kaya raw sa pamamagitan ng ganitong mga patakaran baka sakaling mabawasan ang mga sasakyan na makabawas din sa trapiko.

Bagamat wala pang pag-aaral kung magiging epektibo itong solusyon sa trapik, susubukan ng MMDA.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May magandang layunin ng naturang traffic scheme na ito, na ipatutupad na rin sa ibang bansa kung saan prayoridad sa fast lane ang may maraming sakay.

Bagamat ngayon pa nga lang na hindi pa ito nasisimulan, marami na ang umaangal.

Kasi ang nag-iisang sakay ng sasakyan dalawang lane lang ang puwede nilang puwestuhan ito ang fourth at third lane ng EDSA, dahil ang dalawang lane nito na yellow o bus lane ay para lamang sa mga pampasaherong jeepney.

Ang inaalala lamang dito, lalo ng ng LTFRB na tutol sa pagpapatupad nito ay ang maabuso ito.

Puwede itong samantalahin ng mga operators ng kolorum na sasakyan.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: