^

Punto Mo

Rainbow sa Taiwan, tumagal ng 9 na oras

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PAMBIHIRA ang mga rainbow o bahaghari hindi lamang dahil minsang lang sila kung lumitaw kundi dahil sandali lang din sila magpakita bago sila mawala.

Kaya naman kakaiba ang rainbow na lumitaw sa Taipei nito lamang nakaraang Nobyembre 30 dahil tumagal ng siyam na oras bago ito tuluyang naglaho.

Lumitaw ang bahaghari ng bandang umaga ng nasabing petsa at nanatili ito sa kalawakan ng buong araw.

Hindi naman magkamayaw ang researchers mula sa Chinese Culture University sa pagkuha ng litrato ng rainbow.

Gagamitin daw nila kasi itong pruweba upang mapatunayang tumagal ng siyam na oras ang bahagharing lumitaw sa Taipei.

Kung makumpirma ng Guinness World Records na siyam na oras ngang namalagi sa kalawakan ang bahaghari ay nalagpasan na nito ang anim na oras na itinagal ng rainbow na lumitaw sa England 23 taon na ang nakararaan.

Maaring ang maulan na panahon daw sa ilang bahagi ng Taipei ang dahilan ng matagal na paglitaw ng rainbow, ayon kay Professor Liu Ching-hwang ng Department of Atmos­pheric Sciences ng unibersidad. Ang mga naipong patak ng ulan ang marahil ay nagdulot ng hindi basta-bastang paglalaho ng bahaghari.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with