^

Punto Mo

Higanteng ‘Smiley,’ binuong 143 kotse sa Dubai

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng bagong Guinness World Record ang mga pulis sa Dubai nito lamang nakaraang Sabado nang makabuo sila ng higanteng “smiley” gamit ang 143 na mga kotse.

Katulad ng mga kulay sa watawat ng United Arab Emi­rates ay pawang mga pula, berde, puti, at itim na mga kotse ang ginamit sa pagbuo ng dambuhalang imaheng nakangiti.

Nakipagtulungan ang mga pulis sa 17 na mga samahan sa Dubai kabilang na ang ilang car clubs at mga civic organizations.

Nahigitan ng mga 143 kotse na lumahok ang dating record na naitala noong 2015 nang nasa 121 mga kotse ang bumuo rin ng isang higanteng smiley.

Ipinagmamalaki naman ni Brigadier General Abdullah Al Ghaithi ang mga pulis ng Dubai dahil sa kanilang bagong world record. Isa na naman daw itong pagkilala sa kakayahan ng mga kapulisan ng lungsod.

Hindi raw kasi madali ang pag-organisa ng higit sa 100 sasakyan ayon kay Al Ghaithi. Kinailangan daw gamitin ng mga pulis sa Dubai ang lahat ng kanilang kaalaman ukol sa pagsasaayos ng trapiko upang masiguradong magiging matagumpay ang kanilang hangarin na makapagtala ng bagong world record.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with