^

Punto Mo

Mag-asawa, tinangkang magpuslit ng daan-daang ipis sa airport sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMI nang smugglers ang napabalitang nahuli sa tangkang pagpupuslit ng mga exotic na hayop ngunit kakaiba pa rin ang mag-asawang smuggler sa China na nabisto ang pagtatangka nilang magpuslit ng daan-daang ipis sa isang airport doon.

Kahit ang mga airport security sa Baiyun International Airport sa Guangdong province ay hindi makapaniwala nang madiskubre nila kung ano ang tinangkang ipuslit ng mag-asawa, na parehong may edad na at pawang hindi na kinilala sa mga ulat.

Nabisto ang tangkang pag-smuggle sa mga ipis nang mapansin ng mga nagbabantay sa x-ray machine na may gumagalaw sa loob ng bagahe ng dalawang matanda.

Kita kasi sa monitor na may puting supot sa loob ng kanilang bagahe na naglalaman ng mga itim na bagay na gumagalaw.

Nang inspeksyunin ang bagahe ay may bigla na lang ipis na gumapang palabas nito. Kulang na lang daw ay maiyak ang staff nilang babae na nagbukas sa bagahe.

Tinatayang nasa 200 na mga ipis pala ang nasa loob ng bagahe.

Nang kuwestiyunin ng mga awtoridad ay nagpaliwanag ang la­laki na gagamitin daw nila ang mga ipis bilang sangkap sa paggawa ng tradisyunal na Chinese medicine para sa sakit sa balat ng kanyang asawa.

Dudurugin daw ang mga ito upang ihalo sa isang medicinal cream at saka ipapahid sa balat, ayon sa lalaki.

Ipinaliwanag naman sa kanila na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga buhay na hayop sa hand carry na bagahe.

Sa huli ay pinayagan din na makasakay sa eroplano ang mag-asawa matapos nilang i-surrender ang kanilang mga dalang ipis.

Hindi naman malinaw kung ano ang ginawa ng mga kinauukulan sa 200 ipis na naiwan sa kanilang pangangalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with