^

Punto Mo

Pasahero ng bus sa India, inaresto dahil sa mabahong medyas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INARESTO ng mga pulis ang isang lalaki sa India matapos itong makipag-away sa mga kapwa niya pasahero ng bus dahil sa napakabaho niyang medyas.

Nangyari ang insidente nang hubarin ni Prakash Kumar ang kanyang sapatos at medyas habang nakasakay sa isang bus na biyaheng pa-Delhi.

Sa sobrang sangsang ng amoy na nagmumula sa hinubad na medyas ay nakiusap ang mga kapwa pasahero ni Kumar na ilagay niya sana ito sa supot o ‘di kaya’y itapon na lang ng tuluyan.

Hindi pinagbigyan ni Kumar ang mga pakiusap ukol sa kanyang medyas na siyang pinagmulan ng mainit na pagtatalo.

Sa huli ay pinuwersa ng mga pasahero ang driver na itigil ang bus sa isang presinto  upang doon sampahan ng reklamo si Kumar.

Itinanggi naman ni Kumar na nangangamoy ang kanyang medyas at pinag-initan lamang daw siya ng mga kapwa niya pasahero nang walang dahilan.

Inaresto si Kumar ngunit nakalaya rin matapos siyang payagang makapagpiyansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with