^

Punto Mo

Lalaki sa Malaysia, idinikit ang kamay sa sahig ng opisina bilang protesta sa kanyang pagkakasisante

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

GAMIT ang superglue ay idinikit ng isang lalaki sa Kuala Lumpur, Malaysia ang kanyang kamay sa sahig ng opisina ng kompanyang nagsisante sa kanya.

Hindi raw tama ang pagkakasisante sa kanya ng kompanyang kanyang pinapasukan ayon kay Fadzilah Abdul Hamid kaya bilang protesta ay nagpasya ang da-ting gas station operator na idikit ang kanyang kamay sa sahig ng opisina.

Nagpunta si Hamid sa dati niyang opisina upang kausapin ang pamunuan ng kompanya ukol sa kanyang pagkakasisante ngunit ilang oras na ang lumipas ay wala pa ring nakikipag-usap sa kanya.

Noon na nagpasya si Hamid na idikit ang kanyang kamay sa sahig gamit ang superglue upang mabigyan naman ng kaukulang pansin ang kanyang hinaing.

Dinalhan si Hamid ng pagkain at ng iba pang mga personal na pangangailangan ng kanyang asawa.

Sinisante si Hamid matapos ang 17 taon niyang serbisyo sa kanyang kompanya kaya naman ganun na lang ang kanyang pagpoprotesta sa kanyang pagkakatanggal sa trabaho.

Sinasabing natanggal si Hamid dahil sa hindi niya pagbabayad sa kompanya para sa mga bagong equipment na ginagamit sa mga gas stations na kanyang pinamamahalaan. Itinanggi naman ni Hamid ang paratang dahil ang kompanya naman daw talaga ang dapat umaako sa mga nasabing gastusin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with