^

Punto Mo

Isla Paraiso(86)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYANG-MASAYA si Marikit nang umuwi sa kanyang condo unit.

Ngayong sigurado na mayroon na siyang trabaho pagka-graduate niya, mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang lolo Kandoy.

Makakaganti na rin siya sa kabutihan ni Sir Alexis. Ibabalik niya kay Sir Alexis ang mga nagastos para sa kanyang pag-aaral. Kung hindi dahil kay Sir Alexis ay hindi makakatuntong sa kolehiyo.

Naipangako rin naman siya sa sarili na pagbubutihin pa ang pagsusulat.

Ang pagsusulat ay isang paglilingkod. Naalala niya ang sinabi ng babaing editor ng diyaryo na mayroon daw siyang ibubuga sa pamamahayag. Iyon ay labis na ikinatuwa niya. Ang mayroong magtiwala sa kakayahan ay  nakatutuwa. Ipinagmamalaki niya iyon.

Lalo pa niyang sisipagan ang pagsusulat. Hindi siya titigil sa pagsusulat.

Lalo pa niyang paghuhusayan. Ipakikita niya ang lalo pang pagpupunyagi sa pagsusulat.

NANG mga sandaling iyon, nakarating na sa lugar na target si Hunyango.

Nakatanim sa isip niya ang bilin ni Bossing Jumbo na patayin ang lider  ng anti-mining na si Alexis. Isasakatuparan niya ang lahat kapag nakita niya ang lider. Mayroon siyang dalang retrato ni Alexis. Ipinadala iyon sa kanya ni Bossing Jumbo.

Patuloy siyang naglakad. Mga isang oras pa at marara­ting na niya ang lugar. Humanda ka, Alexis.

PERO nang mga sanda-ling iyon pala ay nalalaman na nina Alexis, ang akitibidad ni Hunyango. Si Bart ang nagsabi na mayroong nalalamang kapangyarihan si Hunyango.

“Kaya ko ang kapangyarihan niya,” sabi ni Bart.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with