^

Punto Mo

‘Power trip na amo, ginantihan sarili niyang empleyado’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG mga bully walang pinipiling edad, mang-aabuso’t mananakit ‘yan ng kahit sino at kahit saan man.  Mapa-bata o matanda, may kaniya-kaniyang estilo ng pang-aapi at pananamantala.

Eto ngayon ang siste, hindi lang sa ibang bansa uso ang mga pang-aapi, di ka na lalayo pa dahil dito sa Metro Manila naglipana ang mga abusado. Mismong mga negosyante pinagtitripan sarili niyang empleyado!

Gaya na lamang ng tatlong empleyado ng RS Master Inc. o mas kilala ngayon sa North Star Bus Company. Ang tatlong empleyado kasi ng nasabing bus company, pinatigil muna sa pamamasada.

Ang walang kuwentang dahilan ng amo nila, dahil lang sila’y napagtripan. Nag reklamo kasi ang pobreng mga konduktor at driver ng bus na ito sa pamunuan ng RS Master Inc. dahil nalaman nilang hindi hinuhulugan ang mga benepisyo nila.

Walong taon at mahigit pa, na nagtatrabaho itong mga pobreng ito sa putok sa buhong kumpanya ng bus, pero nito lamang nakaraang buwan napag-alaman nilang wala palang hulong ang mga SSS, PhilHealth at Pag-IBIG nila.

Nagreklamo sila sa pamuan ng bus company tungkol sa hindi nahuhulugang benepisyo pero sa halip na tulungan, hindi sila binigyan ng biyahe at ang isa sinibak pa.

Dahil lang sa nagreklamo sila ang demonyong amo nagalit at bilang ganti, hindi pinabiyahe ang mga naghahanap buhay niyang empleyado!

Pinapabiyahe naman daw sila pero ang bus na ibinibigay sakanila kung hindi sira, walang upuan! Kita mo nga naman ang ugali nitong may-ari na si Marita Cando, namimili at nagpa-power trip sa kaniyang mga empleyadong napaka tagal na na nagtrabaho sakanya.

E, sino pang kengkoy ang gaganahan bumiyahe sa bus na binibigay niya. Talagang sinasadya nitong bully na may-ari na mapaunta itong mga depektong bus na ito sa mga empleyado niyang nagrereklamo laban sakanya.

Hindi lang ito, pero marami pa at isa lang ito sa mga natangap naming reklamo tungkol sa mga mahihilig mag power trip na amo. Kadalasan, hinihintay pa ng mga kolokoy na amo na mailantad muna sila sa publiko kagaya sa aming magkakapatid na Tulfo bago sila mayanig.

Babala sa mga abusadong tarantadong amo diyan, wag niyong bastarduhin ang pinag hirapan ng mga empleyado niyong nasipag nagtatrabaho para kumita ng disente at mapaganda ang kumpanya niyo tapos eh nanakawin niyo lang? 

Baka hindi niyo nalalaman, kahit sinong negosyante ang gagawa nito ay pwedeng makasuhan ng kriminal dahil isanh uri ito ng krimen. 

Tandaan n’yo itong pangalan ng putok sa buhong bus company na ito, ito rin ang nakaranag inireklamo sa amin na mayroong apat na bus na iisa lang ang plate number. 

Hoy North Star Bus Company, di talaga kayo nadadala ha, ang kakapal ng mukha n’yo!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with