^

Punto Mo

BOC-CIIS officers absuwelto sa kaso ng P6.4 bilyong shabu

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

INABSUWELTO ng Department of Justice (DOJ) si former BOC Commissioner Nicanor Faeldon,  CIIS Director Neil Estrella,  Intel. Officer Joel Pinawin at ang iba pang opisyales at tauhan nila na inimbestigahan at sinampahan ng kaso ng  Kongreso hinggil sa shabu shipments mula sa China na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon.

Sa inisyal na imbestigasyon pa lamang sa Kongreso ay malinaw naman na tumalima lamang ang mga operatiba ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) personnel sa report ng Chinese Government na may malaking bulto ng shabu ang paparating sa bansa. Sinalakay ng CIIS ang bodega ng Hong Fei Logistics sa Valenzuela City na pag-aari ni Chinese businessman Richard Tan o Chen Ju Long at nasakote nila ang 602 kilo ng shabu na may street value na P6.4-bilyon.

Maaring may pagkukulang lamang sa coordinations ang BOC-CIIS sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dating pinamumunuan ni Director Isidro Lapeña na ngayon ay nakaupong BOC Commissioner kapalit ni Faeldon, kaya pinutakti ng kumplikasyon  ang nasabing operasyon.

Tinuluyan ng DOJ ang pagsasampa ng kaso laban kina Mark Ruben Taguba II, Teejay Marcellana, Kenneth Dong, Richard Tan, Eirene May Tatad at mga kakutsaba nilang mga  Intsik na ang iba ay pinaghahahanap pa ng otoridad.

Masalimuot ang naging imbestigasyon sa Kongreso sa ilalim ng House Committee on Dange­rous Drugs ni Chairman Rep. Robert  Ace Barbers sa pasimula pa lamang nang mga usapin hinggil sa nasabing shabu shipments nang magkapikunan ang BOC at ang Kongreso nang pasaringan ni Atty. Mandy Therese Anderson sa kanyang “twitter account” si House Speaker Pantaleon Alvarez na “Imbecile” na ang kahulugan ay isang taong “tanga” at sa nasabing isyu ay marami ang nakisakay na kongresista at mga senador.

     Maliwanag na ang pinag-ugatan ng lahat ng ito ay ang korapsyon sa BOC na nagsisimula sa pag-timbre sa mga opisyales nito at pagbabayad ng kaukulang “tara” o lagay sa bawat cargo containers maging ano pa ang laman ng mga ito. Meron pa ba ngayong “tarahan” sa BOC Sen. Ping Lacson? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with