^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag munang palitan ang PDEA

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag munang  palitan ang PDEA

MAHIGIT isang buwan pa lang mula nang isalin ni Pres. Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya sa illegal drugs pero gusto na niyang bawiin at ibalik muli sa PNP. Sa himig ng pananalita, hindi siya nasisiyahan sa performance ng PDEA. Nang alisin sa pulis ay dumami ang kaso ng krimen dahil sa pagdodroga. Sabi ng Presidente, mas maganda kung ibabalik na lang daw sa pulis ang drug war. Pinag-aaralan na raw niya.

Bakit napakabilis namang magpalit ni Duterte?

Mula nang bumaba ang trust rating ni Duterte, ipinaubaya na niya sa (PDEA) ang pamumuno sa kampanya laban sa illegal na droga. Binawalan na niya ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na makialam sa kampanya. Tanging ang PDEA na lamang ang magsasagawa ng drug operations sa buong bansa.

Bumaba ang trust rating ni Duterte sa latest SWS survey at iniuugnay ang mga pagpatay na kinasasangkutan ng mga pulis ukol sa drug operations. Hampas sa kalabaw sa kabayo ang latay.

Mula nang simulan ang kampanya laban sa illegal na droga noong nakaraang taon, marami nang napapatay at ayon sa mga witness, kahit na sumusuko na ang mga drug suspect ay binabaril pa rin ng mga pulis. Ilan ang nagsabi na napapagkamalan lamang ang mga biktima. Ayon pa sa mga kaanak ng biktima, nagsasagawa ng “tokhang” ang mga pulis at ilan sa mga nadadampot ay hindi naman talaga gumagamit o nagtutulak ng droga.

Kabilang sa mga napatay ay ang teenager na si Kian delos Santos mula sa Caloocan City na kahit nakaluhod na at nagmamakaawa umano ay binaril pa umano ng tatlong pulis. Unang nakunan ng CCTV ang pagdampot kay Kian at makaraan lamang ang ilang minuto ay natagpuan na itong patay. Pero ayon sa mga pulis, nakipagbarilan daw si Kian.

Kahapon, inalis na sa puwesto ang dalawang pulis na bumaril kay Kian. Pati ang hepe ng Caloocan police ay inalis din.

Huwag munang alisin agad sa PDEA ang kampan­ya laban sa droga. Marami nang nahuli ang PDEA, gaya ni Yu Yuk Lai at anak nito.

Pag-isipang mabuti ang gagawin bago alisin ang PDEA sa drug war.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with