^

Punto Mo

Pinakamabilis na world title fight sa kasaysayan ng boxing, umabot lang ng 11 segundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINATUMBA ng kasalukuyang WBO Bantamweight Champion na si Zolani Tete ang kanyang katunggali ilang segundo lang matapos magsimula ang first round upang tapusin ang sinasabing pinakamabilis na world title fight sa kasaysayan ng boxing.

Nagpakawala kaagad ng matinding right hook ang 29 anyos na kampeon ilang segundo matapos magsimula ang kanyang title defense. Sakto ang tama nito sa panga ng challenger at kababayan niyang si Siboniso Gonya, na agad na tumumba.

Binilangan ng referee si Gonya ng tatlong segundo at nang makitang hindi na makakatayo ang boksingero ay itinigil na nito ang championship bout na tumagal lamang ng 11 segundo.

Nilapatan naman kaagad ng paunang lunas ng mga medic si Gonya, na nakatayo rin kalaunan upang makababa ng ring. Ito ang kanyang kauna-unahang world title fight.

Bagong world record ang naitala sa 11 segundong pagkapanalo ni Tete. Mas mabilis pa kasi ito ng 6 na segundo kaysa sa kinikilala ngayong pinakamabilis na world title fight na naitala ng dating WBO super-bantamweight champion na si Daniel Jimenez noong 1994 nang pabagsakin niya si Harald Geier sa loob lang ng 17 segundo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with