^

Punto Mo

MRT, puro aberya na, may sumasabotahe pa?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila ng madalas at pagrabe nang pagrabeng mga aberya na nagaganap sa MRT, hindi maitatatwa na hindi nababawasan marahil ay nadadagdagan pa nga ang mga kababayan nating sumasakay dito araw-araw.

Kaya nga maging si Pangulong Digong, hindi sang-ayon na itigil ang operasyon nito habang sinusulusyunan ang mga nagiging problema.

Aabot o baka hihigit pa nga sa P500 libo ang sumasakay dito araw-araw, na kapag sakaling ititigil ang operasyon, ang bilang na ito ang makikipagsiksikan sa mga sasakyang dumaraan sa EDSA.

Kapag nangyari, ito mismong ang MMDA naman ay umamin na rin na hindi nila kakayanin ang mas titinding trapik sa naturang lansangan.

Talagang mabigat na problema ito.

Kaya nga lang talagang alarming na ang nangyayari.

Lalu pa nga’t ngayon ay binubusisi ang anggulo nang pananabotahe.

Ito matapos na kamakailan ay humiwalay ang isang bagon nito habang bumibiyahe sa pagitan ng Ayala at Buendia stations sa Makati City.

Ayon sa mga opisyal imposible umanong kumalas ang bagon, na sinasabing kahit tumumba o ma-derail ang tren hindi umano ito basta basta nakakalas.

Hinihinalang may human intervention sa pagkakalas nito.

Matapos naman itong naganap, sinasabing nawawala naman ang Messma Card na itinuturing na black box ng MRT na dito sana mababatid o madedetermina ang responsable sa pagkakalas ng bagon.

Lalung hindi biro ang ganitong mga natuklasan, kaya nga kailangan talagang mabusisi ito nang husto, para mabatid kung sinadya ba o hindi ang naganap na aberya.

Buhay ng libu-libong mga pasahero ang nakikipagsapalaran dito araw-araw sa kabila ng aberya, kaya kung may sumasabotahe o sumasalbahe man, dapat na matiyak at matukoy at agad na pananagutin sa hindi biru-birong ginawa.

Sa panig naman ng DOTr kung may ganitong nang umuusbong na mga kaganapan, dapat na lalu nilang tindihan pagbabantay o pagbusisi sa kanilang pabibiyahihin na tren sa araw-araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with