^

Punto Mo

Lalaki sa India, idineklara ang sarili na hari ng isang disyerto sa gitna ng Egypt at Sudan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa India ang naglakbay ng 200 milya upang puntahan ang isang disyerto sa gitna ng Egypt at Sudan at ideklara ang kanyang sarili bilang hari ng nasabing lugar.

Hindi pa nakuntento ang negosyanteng si Suyash Dixit dahil bilang birthday gift sa kanyang ama ay itinalaga naman niya itong Presidente ng kanyang bagong tatag na bansa na pinangalanan niyang Kingdom of Dixit.

Binansagan niya ang sarili bilang King Suyash First at inangkin ang disyerto na kung tawagin ay Bir Tawil bilang kanyang kaharian ayon sa kanyang post sa Facebook.

Bagama’t nasa gitna ng dalawang bansa, wala naman daw presensiya ang mga pamahalaan ng Egypt at Sudan sa nasabing disyerto kaya minarapat niyang angkinin ito.

Alinsunod sa makalumang tradisyon na kailangang taniman ang lupa kung gusto mo itong angkinin at nagtanim si Dixit ng isang punla sa gitna ng disyerto at saka diniligan ito.

Idineklara naman niya ang isang butiki bilang pambansang hayop ng kanyang kaharian dahil wala na siyang ibang hayop na namataan sa lugar.

Ikinuwento rin ni Dixit sa kanyang Facebook post ang peligrosong biyahe papuntang Bir Tawil at sa border sa gitna ng Egypt at Sudan kung saan may kautusan ang mga sundalo roon na barilin ang sinumang kanilang makikita.

Plano ni Dixit na pumunta sa United Nations upang kilalanin nito at ng iba pang mga bansa ang kanyang kaharian. Dagdag pa niya na bukas daw ang Kingdom of Dixit para sa mga gustong mamuhunan at sa mga gustong maging mamamayan ng kanyang bagong kaharian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with